Menor-de-edad naharang ng BI sa NAIA

NI NERIO AGUAS

Nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang menor-de-edad na babae na biktima ng human trafficking.

Ayon sa BI, naharang ng mga immigration personnel sa NAIA Terminal 1 ang hindi pinangalanang biktima bago pa makasakay sa Philippine Airlines flight patungong Jeddah para magtrabaho bilang household service worker (HSW).

Nabatid na nang dumaan ang biktima sa immigration counter at nagpakita ng pasaporte at  valid working visa ay hindi makumbinse ang mga ito na 24-anyos na ito at nasa tamang edad na para magtrabaho bilang HSW sa Gitnang Silangan.

Nang isailalim sa masusing imbestigasyon natuklasang peke ang pasaporte ng biktima at sa ipinakitang birth certificate nito ay pawang peke rin.

Ang biktima na mula sa Sultan Kudarat ay hindi marunong bumasa at magsulat kung kaya’t posibleng ito ang dahilan upang lokohin ng recruiters nito at piliting sumang-ayon sa pamemeke ng papeles nito.

Agad na dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking ang biktima para bigyan ng kaukulang tuong at paghahain ng kaso laban sa recruiters nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s