
NI MJ SULLIVAN
Nabalot ng pangamba ang ilang residente ng Isabela at Eastern Samar matapos na yanigin ng malakas na paglindol ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ganap na alaas-7:55 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.2 na lindol sa layong 026 km hilagang silangan ng Maconacon, Isabela.
May lalim itong 028 km at tectonic ang origin.
Naitala sa instrumental intensities ang intensity III sa Penablanca, Cagayan at intensity 1 sa Gonzaga, Cagayan.
Wala namang inaasahang aftershocks at epekto ang nasabing paglindol.
Samantala, magnitude 3.5 naman ang tumama sa Eastern Samar dakong alasa-3:51 ng madaling-araw.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 063 km timog silangan ng Dolores, Eastern Samar at may lalim na 017 km at tectonic ang origin.