Solon sa NGCP at ERC: Ayusin na ang Mindoro grid connection

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan ang isang kongresista sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Energy Regulatory Commission (ERC) para sa matagal na pagkaantala ng interconnection ng isla ng Mindoro sa Luzon Grid.

Ang panawagan ay ginawa ni Occidental Mindoro Rep. Leody “Odie” Tarriela kung saan
ang Mindoro aniya ang ikapitong pinakamalaking isla sa bansa, na binubuo ng mga lalawigan ng Occidental at Oriental Mindoro, ay matagal nang nagdurusa sa hindi maaasahan at mahal na kuryente.

Ito ay dahil aniya sa pagiging off grid, sa kabila ng katotohanan na ito ay 90 kilometro lamang ang layonmula sa Batangas.

“NGCP’s franchise mandates it to plan, construct, operate and expand our national transmission network. The expansion includes connecting the main grid to off grid areas like the islands of Mindoro and Palawan,” ayon pa sa mambabatas.

“As early as 2011, sinabi na ng NGCP na iko-connect nito ang Mindoro sa grid. Ang sabi nila noon, 11 Billion Pesos ang gagastusin para dito. Hindi nila ito ginawa. Ang masaklap, biglang malalaman natin na noong 2014, kumita ang NGCP ng 22 Billion. Tapos, nagpartehan ang mga stockholders nito sa dividendo na 24 Billion Pesos, mahigit pa ng 2 Billion Pesos sa kinita nito. Tapos, ang interconnection ng Mindoro, hindi na ginawa.”, giit pa ni Tarriela.

Base sa record, noong Hunyo 2021 nang maghain ang NGCP ng aplikasyon sa ERC na humihingi na aprubahan ang Batangas – Mindoro interconnection project.

“’Year 2001 pa naipasa ang EPIRA Law. Year 2009 pa nailipat ang franchise at operations ng Transco sa NGCP. Makalipas ng dalawang dekada, saka pa lang pormal na nag-file ng petisyon ang NGCP sa interconnection project na ito,” sabi nito.

“Mula 11 Billion Pesos nu’ng 2011, ngayon daw ay nasa 16.87 Billion Pesos na magagastos dito. Sana ay aprubahan na ang petisyon ng ERC na isa’t kalahating taon na rin na pending sa kanila. Baka kasi ang budget para dito ng NGCP ay madeklara na naman na dividends. Tapos ang pangakong interconnection ng Mindoro sa Luzon Grid, na pati ang Palawan ay makikinabang, ay manatiling isang pipe dream. Kung nagawa na ito noon pa, matagal na sanang nasolusyonan ang halos perpetual na brownouts sa aming probinsya,” paliwanag pa ni Tarriela.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s