Batanes niyanig ng magnitude 5.6: Masbate at Isabela nilindol din

NI MJ SULLIVAN

Niyanig na malakas na paglindol ang lalawigan ng Batanes at Isabela, Cagayan at Masbate, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon pa sa Phivolcs, naitala ang magnitude 5.6 na lindol dakong alas-9:48 ng umaga na natukoy ang sentro sa layong 033 km hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

May lalim itong 015 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity III sa  Itbayat, Batanes at intensity II sa Basco at Mahatao, Batanes.

Intensity I naman ang naramdaman sa Ivana, Batanes.

Isinusulat ang balitang ito ay patuloy na inaalam kung may nasira o naapektuhan ng nasabing malakas na paglindol.

Asahan naman ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw.

Samantala, ganap namang alas-11:26 ng gabi nang maitala ang magnitude 5 sa Uson, Masbate na may lalim na 014 km.

Naramdaman ang intensity IV sa Uson, Masbate at intensity III sa lungsod ng Masbate, Masbate habang intensity II sa Naval, Biliran; Leyte, at Villaba, Leyte.

Sa instrumental intensities na itala ang intensity III sa Cataingan, at syudad ng Masbate, Masbate at intensity II sa Aroroy, Batuan, Milagros, at Monreal, Masbate; Kawayan, Biliran; Ormoc City, Kananga, Leyte, at Villaba, Leyte; Lungsod ng Catbalogan, at Gandara, Samar; Syudad ng Bogo, Cebu.

Intensity I sa syudad ng Legazpi, Albay; Naval, Biliran; lungsod ng Borongan, Eastern Samar; Carigara, Leyte at San Roque, Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, asahan ang mga danyos at epekto ng nasabing malakas na paglindol.

Samantala, naitala naman ang magnitude 4.2 na lindol ganap na alas-7: 55 ng umaga.

Nakita ang lokasyon nito sa layong  032 km hilagang silangan ng Maconacon, Isabela at may lalim na 027 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity IV sa Maconacon, Isabela at intensity III naman sa Divilacan, Isabela.

Intensity II naman sa Peñablanca, Tuguegarao City, at Enrile, Cagayan; Palanan, Isabela at intensity I naman sa Iguig, Cagayan; Mallig, at Ilagan, Isabela.

Habang sa instrumental intensities ay naitala ang intensity III sa Peñablanca, Cagayan at Intensity I naman sa Gonzaga, Cagayan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s