
Subukan N’yo!
Nakahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30, ng taong kasalukuyan. Inilabas na nga nito ang calendar of activities para sa naturang eleksyon.
Paano na kaya ang petisyon ni elections lawyer Atty. Romulo Macalintal para sa nullification ng Republic Act No. 11935 na kanyang inihain sa Korte Suprema noong nakaraang taon? Hanggang sa kasalukuyan ay nakabimbin pa rin sa Korte Suprema ang pagresolba ng petisyon ni Atty. Macalintal para ipawalang-bisa ang naturang batas na nagtakda October 30, 2023, BSKE.
Naghain si Macalintal ng naturang petisyon dahil sa ang paniniwala niya ay walang karapatan ang Kongreso na i-postpone ang BSKE na unang naitakda noong sanang Disyembre 5, 2022, sa naturang batas na RA 11935.
Naging batas ang postponement (RA 11935) makaraan itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, kaya dumulog si Macalintal sa Korte Suprema upang ito ay ipawalang-bisa.
Gusto nga sana ni Macalintal na ganapin ang BSKE ngayong buwan ng Mayo pero maging ang kanyang pangalawang petisyon kaugnay nito ay hindi inaksyunan ng korte.
Naniniwala akong, with all due respect, mali ang ginawa ng Korte Suprema na hindi aksyunan agad ang isang petisyon na maglilinaw ng constitutionality ng isang batas na nakasalalay ang national interest. At maaaring ang national security.
Bagaman obligado ang lahat ng mamamayang Pilipino na sundin at igalang ang mga bats ng bansa, may karapatan din ang mamamayan na kwestyunin ang constitutionality ng batas dahil sa ang lahat ng batas na tulad ng RA 11935 ay dapat naaayon sa Constitution o Saligang Batas. .
Walang dudang mahusay na abogado si Macalintal kung kaya’t naniniwala akong mayroon siyang punto sa paghahangad ng ipawalng-bisa ang RA 11935. Sang-ayon ako sa kanyang argumento kahit hindi ako isang abogado.
At naniniwala rin akong hindi maaaksyunan ng Korte Suprema ang kanyang petisyon kasi ayaw nilang mapahiya o masaktan si Presidente Marcos, Jr., na sinasabing gusto ring ipagpaliban ang December 5, 2022, BSKE.
Pero obligadong aksyunan ng Korte Suprema ang petisyon ni Atty. Macalintal sa ano mang paraan. Walang dahilan para hindi nila iyon aksyunan dahil sa national interest.
Abangan!!!
*
Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com