Home solar panel sagot sa krisis sa kuryente — solon

Sen. Lito Lapid

Ni NOEL ABUEL

Iminungkahi ni Senador Lito Lapid ang mga Filipino na may kakayahan na magkabit ng solar panels na solusyon sa nararanasang krisis sa kuryente sa bansa.

Isinulong ni Lapid ang panukalang batas kasunod ng nararanasang brownouts sa iba’t ibang lugar, partikular sa Occidental Mindoro, Panay at Samal Islands na nagparalisa sa kabuhayan ng mga konsyumer.

Sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2138, sinabi ni Lapid na mapapadali ang pagkakabit ng solar panel system sa mga bahay papunta sa national grid.

“Ang panukalang batas na ito ay magbibigay ng mga karagdagang insentibo para sa ating mga kababayan na gumamit ng Renewable Energy sa kani-kanilang mga tahanan. Kung mapadali natin na maikabit sa national grid ang mga residential solar panel, mabibigyan din ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makatulong solusyonan ang krisis sa kuryente kahit sa maliit na paraan,” paliwanag ni Lapid

Layunin ng panukala na maipatupad ang net metering scheme para makamit ang mithiin ng gobyerno na lumawak pa ang produksyon ng Renewable Energy sa local level.

Pinapayagan ng gobyerno ang net metering system para mahikayat ang sambahayan at mga negosyante na mag-generate ng Renewable Energy kaakibat ang pagbibigay ng insentibo, gaya ng pagbawas sa konsumo ng kuryente o bayad sa kanilang nalikhang enerhiya.

Ayon pa kay Lapid, hindi lang matutulungan nito ang mga konsyumer na maibsan ang mataas na konsumo sa kuryente kundi madadagdagan pa ang produksyon ng suplay ng enerhiya sa bansa.

“Sa tamang sistema, kahit pumalya ang national grid sa anupamang kadahilanan ay merong back-up ang mga konsyumer sakaling mag-brownout dahil libre naman ang sikat ng araw,” pahayag pa ng Supremo ng Senado.

Ang green at sustainable source ng enerhiya na ito ay malawakang ginagamit na sa mauunlad na bansa, gaya ng Amerika at Europa na nagbibigay pa ng insentibo ang gobyerno sa mga nagkakabit ng solar panels.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s