PNP Chief Acorda protektor ng Club Matrix sa Pasay?

PAGMASDANG maigi ang larawan sa artikulong ito!

Natanong natin ito dahil sa nasa malaking LED screen ang pinagpipitaganan nating hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Gen. Benjamin Acorda, Jr.

Katabi ng kanyang kanyang LED screen ang Club Matrix na sinasabing front ng high-end prostitution!

Nakaposte ang mga ito sa Macapagal Boulevard, Pasay City.

Nakalagay naturang screen ang pagbati nila kay Gen. Acorda dahil sa pagkakatalaga bilang PNP chief ng bansa.

Diumano, ang nagpalagay sa ‘congratulatory message’ sa LED screen ay ang Club Matrix!

Kung nanamnamin, hindi lang pagyayabang ang gustong ipahiwatig ng Club Matrix!

Gusto nilang ipagsigawan sa madla na ‘kasmala’ o super close sila kay Gen. Acorda.

At dahil mala-Ondoy at Yolanda ang dating nila sa PNP chief, ibig sabihin, walang sinumang police officials o miyembro ng kapulisan ang puwedeng mang-raid sa kanila.

Sa mga nagtatanong kung anong mayroon sa Club Matrix, wala po, simple lang po sila kasi sa kanila lang naman ang hayagang pagbebenta ng mga high end na prostitutes girls na ang karamihan ay bata o menor de edad.

Hindi lang iyan, mayroon din sa Club Matrix na Russian girls, Vietnamese at Chinese prostitutes.

Uulitin ko po, Gen. Acorda, ha? Russian, Vietnamese at Chinese prostitutes!

Ang bentahan ng laman dito, mula sa menor na Pinay, Russian, Vietnamese at China girls ay umaabot sa P30,000 hanggang P50,000.

Ang presyong ito ay hindi kaya ng ordinaryong Pilipino.

Ang ‘can afford’ sa mga presyong ganito ay mga bitime businessmen at mga POGO employees.

Kasagsagan ng pandemic pa lang ay nag-operate na ang Club Matrix na ‘de-elevator’ pa ang pag-akyat sa kanilang 2nd floor.

Minsan na silang hinuli ng National Bureau of Investigation (NBI) pero sa halip na matuluyang ipasara at makulong ang may-ari ay ginawang ‘floating’ pa ang team leader ng Bureau na nanguna sa naturang pagsalakay.

Maimpluwensiya masyado ang may-ari ng Club Matrix dahil hindi lang pangalan ni Gen. Acorda ang ipinagmamalaki ng sindikatong ito, kundi pati ang magandang pangalan nina Gen. Eliseo Cruz at NBI Deputy Director Anthony Pagatpat ay kanilang dinudungisan.

Magreretiro na po si Gen. Cruz na alam kong katulad ni Deputy Pagatpat ay kapwa sila naghahangad maging hepe ng National Bureau of Investigation (NBI).

Iyan ay kung hindi ma-extend ang termino ni NBI director Medardo de Lemos.

Tulad ni Gen. Acorda, alam kong parehong magaling sina Gen. Eli Cruz at Deputy Pagatpat kaya sana ‘maging challenge’ sa kanilang tatlo ang panggagamit na ginagawa ng Club Matrix sa kanilang mabuting pangalan.

Baka puwede n’yo naman silang i-raid, sample lang!

May report din kasi na ang Ilan sa big time Chinese businessmen na parokyano rito ay miyembro ng China at Hong Kong Triad.

Pati mga babae rito ay pinapagamit ng droga!

Abangan natin, kung ipapa-raid ba ang Club Matrix!

Abangan n’yo rin po sa susunod nating column kung sino namang local official ng Pasay ang ipinagmamalaki rin ng Club Matrix!

***

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 09157412674.

Leave a comment