
Ni NOEL ABUEL
Ibinahagi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga mambabatas mula sa iba’t ibang bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang roadmap na gagamitin ng Pilipinas upang maging mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya nito.
Sa kanyang talumpati sa plenary session ng 44th AIPA (ASEAN Inter-Parliamentary Assembly) general assembly, sinabi ni Romualdez na nakatuon ang roadmap sa paglikha ng mapapasukang trabaho at oportunidad na kumita ang mga Pilipino.
Binigyan-diin ni Romualdez ang mahalagang papel na ginagampanan ng Kongreso upang maabot ng administrasyong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga layunin nito.
Hinimok din nito ang mga mambabatas sa ASEAN na gamitin ang pagkakataon upang mahanap ang pinakamahusay na kasanayan na kanilang magagamit sa kani-kanilang bansa.
“Following the lead of President Ferdinand Marcos, Jr., we have adopted a Medium-Term Fiscal Strategy that aims to support economic recovery while ensuring fiscal sustainability,” ani Romualdez.
“Together with the Executive, we have focused on creating more job opportunities for Filipinos and improving their employability. Productivity-enhancing investments have been promoted while exercising prudence in fiscal management,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Sinabi ni Romualdez na kinilala ng gobyerno ang naging epekto ng pandemya at ang mga hakbang na kailangang gawin upang makabangon kaagad ang mga naapektuhan.
“Retooling and re-skilling to sharpen the competence of our job seekers has been our priority, together with the development of sustainable technologies to create more green jobs,” aniya.
Sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez, naaprubahan ng Kamara ang 33 sa 42 panukalang prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) noong unang regular session ng 19th Congress.
“Towards the end of 2022, we have taken pride in our accomplishments of the 19th Congress in its first five months, acknowledging the swift but thorough passage of a substantial number of the President’s legislative agenda, including our priority measures in the House,” ani Speaker Romualdez.
“The results thus far have inspired confidence for us to pursue this further until our development goals are met,” dagdag pa ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
Ayon kay Romualdez, kasama sa naaprubahan ang Maharlika Investment Fund bill na makatutulong umano upang mapondohan ang malalaking proyekto ng gobyerno ng hindi ginagamit ang budget ng national government.
Ang napapanahon umanong pagpasa ng P5.268 trilyong budget para sa 2023 ay nakatulong din upang maabot ang mga layunin ng prosperity roadmap.
Sinabi rin ng lider ng Kamara na sisimulan na ng Kongreso ang pagtalakay sa panukalang badyet para sa susunod na taon.
Sinabi pa ni Romualdez na ang AIPA ay isang epektibong plataporma para pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng iba’t ibang parliyamento ng may pagkakapantay-pantay, pagrespeto sa isa’t isa at kapwa pakinabang.
