DPWH target na mabuksan ang dagdag na 2 lane sa Arterial Road Bypass sa Bulacan

Ni NERIO AGUAS

Inaasahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mabubuksan sa darating na Oktubre 2023 ang karagdagang dalawang (2) lane upang mapalakas ang kapasidad ng mga dumaraang sasakyan sa Arterial Road Bypass Project sa lalawigan ng Bulacan.

Sinabi ni Senior Undersecretary Emil K. Sadain, in-charge ng DPWH infrastructure flagship projects, na ang pagbubukas ng 7.74-kilometrong widened section mula sa Brgy. Tambubong to the Philippines – Japan Friendship Highway o Daang Maharlika Highway sa Barangay Maasim kabilang ang 318-meter flyover sa intersection sa kahabaan ng Kalsadang Bago at isang 36.9-meter na tulay na nasa ilalim ng contract package (CP) 4 ng Arterial Road Bypass Project-Phase 3 sa San Rafael, Bulacan ay irerekomenda kay Secretary Manuel M. Bonoan na pagsilbihan ang dumaraming bilang ng mga motoristang bumibiyahe at sa oras para sa inaasahang long-weekend para sa Barangay elections at pagdaraos ng tradisyunal na Undas o All Soul’s Day.

“We are pleased that the section from KO49 + 625 to KO57 + 366 undertaken by Sino Road & Bridge Group Co. Ltd is complete and punch listing by DPWH technical personnel will commence anytime to ensure safety and functionality of the newly paved road and constructed bridge and flyover, ” sabi ni Sadain kasunod ng September 8, 2023 inspection kasama si Project Director Benjamin A. Bautista at Project Manager Hermie Sablan ng DPWH Unified Project Management Office – Roads Management Cluster I (Bilateral).

Upang matiyak na ang natapos na proyekto partikular na ang flyover at tulay ay ligtas at handa para magamit ng taumbayan, ang mga karaniwang bagay na kasama sa listahan ang integridad ng istruktura sa pamamagitan ng pagsuri sa anumang nakikitang mga bitak o pinsala sa istraktura, ligtas na nakalagay sa mga guardrails and barriers, road surface, ilaw, at drainage systems upang maiwasan ang pag-iipon ng tubig.

Sa sandaling makumpleto na ang punch list, ang anumang natukoy na isyu ay matutugunan kaagad ngayong Setyembre at Oktubre upang matiyak na ang proyekto ay ligtas at handa para sa public use.

Ayon kay Sadain, ang CP 4 ay direktang konektado sa CP 3 na natapos noong 2021 ng Shimizu Corp. at FF Cruz and Co., Inc. na sumasaklaw sa pagtatayo ng 2.22-kilometrong dalawa (2) pang lane para sa kanlurang direksyon na sumasaklaw sa isa sa pinakamahabang tulay ng Luzon sa kabila ng Angat River sa Bustos, Bulacan.

Mula sa inisyal na bahagi ng dalawang (2)-lane na dalawang (2)-daan na trapiko sa ilalim ng Phase 1 at 2, Phase 3 sa ilalim ng loan agreement no. PH-P266 sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Japan International Cooperation Agency (JICA) na nagpapalawak ng buong 24.61 kilometrong kahabaan ng Arterial Road Bypass Project o karaniwang tinutukoy bilang Plaridel Bypass Road na tumatawid sa limang (5) munisipalidad ng Bulacan na sina: Balagtas, Guiguinto, Plaridel, Bustos, at San Rafael.

Leave a comment