2 foreign pedophiles hinarang sa NAIA

Ni NERIO AGUAS

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang US nationals na may criminal records sa bansa nito na may kaugnayan sa pang-aabuso sa ilang kabataan.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na magkahiwalay na naharang ang dalawang pasahero pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakilalang sina Keith Michael Lacek 63-anyos, noong Disyembre 5, at Peter Maehler de Leon Guerrero, 54-anyos, noong Disyembre 2.

Nabatid na kapwa dumating sa NAIA terminal 1 sakay ng Air China at Eva Air flights mula Taipei ang nasabing mga dayuhan.

Ayon kay Tansingco, si Lacek ay excluded na matapos ang kanyang pangalan ay lumabas na may hit sa derogatory base ng bureau na nagpapahiwatig na ipinagbabawalan na pumasok sa bansa para sa kanyang pagkakasangkot sa sex tourism.

Sa record ng BI, blacklisted ito noong Hunyo 2020 kasunod ng impormasyon mula sa Office of Cybercrime of the Department of Justice kung saan si Lacek ay iniulat na sangkot sa online enticement at sexual exploitation ng mga bata sa travel and tourism.

Si Lacek ay sinasabing gumamit ng isang Pinay para magpalabas at magpadala ng indecent photographs ng mga bata at masangkot sa sexual activity kasama ang mga menor-de-edad kapalit ng pera.

Samantala, si Guerrero ay nakumpirmang isang registered sex offender (RSO) sa US dahil sa pagkakadetine bilang child rapist.

Ayon sa Texas court naparusahan si Guerrero noong 1994 dahil sa paglabag sa Section 22 ng State’s laws na nagpaparusa sa act of sexual assault ng 17-anyos na dalagita pababa.

“We had to remove them out immediately after they arrived at the airport. They are undesirable aliens who pose a very serious threat to our children. Consequently, they are perpetually banned from re-entering the Philippines,” sabi ng BI chief.

Leave a comment