Sen. Revilla namahagi ng tulong pinansyal sa Caraga region

Si Senador Ramon Bong Revilla Jr. na sinalubong ng mga taga-Surigao del Sur nang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilya.

Ni NOEL ABUEL

Namahagi ng tulong pinasyal si Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa iba’t ibang lalawigan sa bansa partikular sa Caraga region.

Pinangunahan Revilla ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa Caraga Region nitong Miyerkules, Abril 3 kung saan nagtungo ito sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon katulad ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Agusan del Sur.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapaghatid ang senador ng tulong sa mahigit 6,600 na benepisyaryo.

Naging mainit ang pagsalubong kay Revilla ng bawat punong-lalawigan sa mga nasabing probinsya at sinamahan sa naging cash assistance distribution sa kanyang mga kababayan.

“Binibigay lang po natin sa ating mga kababayan ang mga dapat naman talaga nilang natatanggap mula sa gobyerno. Nawa ay makatulong ito sa kanilang mga pang-arawang pangangailangan hanggang sa pag-unlad ng kanilang mga buhay,” sabi ni Revilla

“Hindi po tayo magsasawang puntahan mismo ang ating mga kababayan para mag-abot ng tulong. Tungkulin po natin ito at kahit kailan ay hindi natin tatalikuran,” dagdag ng mambabatas.

Leave a comment