PAGCOR hindi ligtas sa POGO hub sa Bamban, Tarlac

Ni NOEL ABUEL

Hindi ligtas sa pananagutan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Bamban, Tarlac.

Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian kung saan may accountability ang PAGCOR sa natuklasang POGO hub sa nasabing lugar dahil sa 24/7 ang tao nito sa operasyon ng nasabing hub.

“Meron silang accountability. Di pwedeng sabihin ng PAGCOR na wala silang kasalanan. Meron silang pananagutan sa isyung ito, may 24/7 silang tao dito. Sila rin mismo ang nag-violate sa kanilang guidelines. Ipapakita natin sa susunod na hearing na marami silang nilabag na guidelines,” sabi pa ni Gatchalian.

Dinagdag pa ng senador na matibay ang mga ebidensya na may kinalaman ang nasuspendeng si Bamban Mayor Alice Guo sa POGO hub.

“Hindi pwedeng ialis si Guo, siya ay nasa gitna nitong POGO company, pangalan niya nandoon lahat. Sasabihin niya wala siyang connection but base on documents nandoon ang pangalan niya, active pati electric coop pati aplikasyon sa kuryente, so may active participation siya sa POGO,” giit ng senador.

Maliban dito presidente rin si Guo ng Baofuo Land at siya rin ang applicant sa Hongsheng at itong Baofuo Development. At the same time meron siyang apat na partners kabilang ang isang Pinoy na si Ms. Carreon, na clerk ng kumpanya at ang tatlong dayuhan na pawang mga criminal records na nahuli ang dalawa sa Singapore at isa ay nahuli sa China.

“Kapag titingnan mo ang kabuuan, ang partner mo mga pugante ikaw may active participation di mo pwedeng sabihin na wala kanga alam. Ikaw ang gumalaw para mabuo ito,” giit ni Gatchalian sa mga kamakailang pahayag ni Guo na wala itong alam sa POGO hub.

“May kongkretong ebidensya na mau link siya sa criminal syndicates na nag-organized ng POGO sa Bamban, meron siyang link sa organized crime. Meron ding information na siya mismo ang gumagalaw para magkaroon ng koneksyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan,” ayon pa sa senador.

Lahat aniya ay nagtuturo kay Guo na may kinalaman sa aplikasyon ng Hongsheng, Baofu Land na siya ang may-ari at lahat ng dokumento ay nakaturo sa dating alkalde.

“Lahat ng dokumento nakaturo sa kanya. Isa lang ang layunin ng Baofu Land para makapasok ang POGO lahat ng dokumento siya ang itinuturo para mabuo ang POGO. Aplikasyon for internet siya ang nakapangalan doon. Sa telepono, gumastos itong P121,000 para sa operasyon ng POGO hub,” sabi pa ni Gatchalian.

Leave a comment