Sen. Gatchalian dismayado sa AMLC

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Sherwin Gatchalian sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa kabiguan nitong hanapin ang malaking pera na umikot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na tahasang sangkot sa money laundering.

Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Gatchalian na base sa katatapos na executive session kahapon ay walang ipinakita bagong dokumento ang AMLC sa isinasagawang nitong paghahanap na milyun-milyong halaga ng pera sa ginamit sa POGO sa Bamban, Tarlac.

Aniya, dismayado ito nang usisain ang mga opisyales ng AMLC sa executive session kung ano na ang nagawa at nakalap na impormasyon hinggil sa P6.1B na nakapasok sa bansa para sa operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac.

“I’m quite disappointed with the AMLC na di nila na-detect. Wala silang sagot kahapon and in fact I express my disappointment dahil trabaho nilang malaman kung sino ang source ng money laundering. Ngayon para bula, hindi mahanap ang kontraktor, anong bangko ang ginamit, sino ang tumanggap ng pera,” ani Gatchalian.

“Dalawang linggo na naming hinahanap ang kontraktor na nagpagawa ng POGO hub, di naming mahanap, di naming alam kung sino ang nagdala ng heavy equipment, hindi naming mahanap talaga kasi gusto ko mahanap para malaman kung sino nakatanggap ng pera, mate-trace natin sino personahe pero walang mahanap,” dagdag nito.

Tanging nasagot lamang aniya ng AMLC ay kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga ito.

“They failed to perform their mandate. Dapat 2019 p lang na-trace na ito. Mahina sa monitoring. Nakapahina na ilang beses na nating naamiyendahan ang AMLC.

Aminado ang senador na bilib ito sa mga sindikato ng POGO at naitago ang malaking pera nang hindi nalalaman ng mga awtoridad.

“Itong sindikato na ito napakagaling nila, naitago nila sa mga awtoridad ang pagdala nitong pera. We are very disappointed na humingi sila ng isa pang sesyon,” sabi ni Gatchalian.

Kaugnay nito, sinabi ni Gatchalian na kinalibutan ito sa pahayag ng National Security Council na umabot na ang ugat ng POGO sa mga pulitiko, ilang enforcement agency, at maging sa mga local criminal syndicates.

Leave a comment