
Ni NOEL ABUEL
Hinamon ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kapwa nito mambabatas na iprayoridad ang mga panukalang batas na may kinalaman sa pagtulong sa mga Filipino at hindi ang walang maitutulong sa kabuhayan ng tao.
Ayon kay Cayetano, isang taon matapos ihain sa Kamara ang 10K Ayuda Bill, ay umaasa pa rin ang mga mahihirap na pamilya na maipapasa ito para makatulong sa kabuhayan ng mga ito.
“Hindi naka-pause ang COVID. We really need to have better programs… We can do something about it now before session adjourns,” ani Cayetano.
Aniya, sa Senado, maaaring bigyan pansin ang kahalagahan ng Senate Bill No. 2486 o ang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program Act of 2022 na inihain ni Senador Joel Villanueva noong Enero 24,2022.
Sa nasabing panukala, ay isinama ang 10K Ayuda Bill na isinusulong ni Cayetano at ng mga kaalyado nitong kongresista noong Pebrero 1, 2021.
Aminado ang dating House Speaker na sa nalalabing mga araw ng Kongreso ay tuluyang maisantabi ang 10K Ayuda Bill habang unahin ng mga mambabatas ang pagbibigay ng prangkisa sa mga operators ng e-sabong.
“Parang basketball din ‘yan, ‘yung last two minutes. Alam naman natin na ‘pag pinush talaga ng Speaker, ng Senate President, at lalo na ng Malacañang, maipapasa ‘yan,” ani Cayetano.
