Mindanao sinuyo ng BBM-Sara tandem

Ni NOEL ABUEL

Sinuyo ni Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte ang mga residente ng Mindanao region para suportahan ang kandidatura nito at ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa ikalawang araw na month-long on-the-road campaign ni Duterte, nakipagpulong ito sa mga tagasuporta at mga well-wishers sa Barangay 3, National Highway sa San Francisco, Agusan del Sur at hiniling na suportahan ang UniTeam sa pangunguna ni Marcos ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

“Salamat sa inyong pagsuporta sa administrasyong Duterte,” sabi ng alkalde patungkol sa ama nitong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Magkampanya ako sa mga hindi pa kumbinsido sa pagsuporta sa Bongbong Marcos-Sara Duterte UniTeam,” sabi nito habang hawak ang isang Philippine flag na ipinamahagi nito upang ipakita ang nationalism ng mga Filipino.

Sinabi ni Mayor Sara, na malaki ang pagkakautang ng Duterte family sa taumbayan kung kaya’t muli ay humihingi ito ng panibagong suporta.

Nabatid na ang month-long on-the-road campaign ni Duterte ay tinawag na ‘Mahalin natin ang Pilipinas’ caravan, na inisyatibo ng BBM-Sara ticket na tinawag na UniTeam.

Si Lakas-CMD vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte sa ribbon-cutting ceremony nng Marcos Sara Duterte Alliance (MASADA) headquarters sa Sibagat, Agusan del Sur.

 Sa hiwalay namang pagkakataon, pinangunahan ni Duterte ang ribbon-cutting ceremony sa Marcos Sara Duterte Alliance (MASADA) headquarters sa Sibagat, Agusan del Sur.

Una nang itinayo ang MASADA headquarters sa Tagum City, Davao del Norte noong simulan ang unang araw ng caravan.

Leave a comment