Malalaking proyekto itutuloy ng DPWH

NI NERIO AGUAS

Tinitiyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel M. Bonoan na mangyayari ang inaasam ng marami na malalaking proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program na iniutos mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 Ito ang pahayag ni Bonoan kasabay ng pagsasabing inatasan ito ni Pangulong Marcos na iprayoridad ang mga proyektong makakatulong upang matiyak ang food security program ng pamahalaan sa gitna na rin ng tumataas na inflation rate.

 Maliban pa dito ang interconnectivity sa mga rehiyon at mga program ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Idinagdag pa  ng kalihim na ipagpapatuloy rin nito ang pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor sa bansa sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) Program.

Tinitiyak din ni Bonoan sa publiko na mangunguna ito sa pagpapatupad ng professionalism sa mga kasamahan sa ahensya at idinagdag pa na malugod na tatanggapin nito ang mga puna at komento sa DPWH.

“We encourage the public to reach out and help in nation-building. Any issue or complaint may be coursed through our social media pages, email, and hotline numbers,” sabi pa ni Bonoan.

Leave a comment