Bgy. at SK elections ipagpaliban sa Mayo 2024 — solon

Rep. Mujiv Hataman

NI NOEL ABUEL

Nanindigan si Basilan Rep. Mujiv Hataman na dapat na ipagpaliban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 2, 2022 dahil sa nasa gitna pa rin ang bansa sa pandemya at sayang ang pondong gagamitin dito.

 Ito ang sinabi ni Hataman kung saan sa pagpapaliban ng eleksyon sa Disyembre ay gawin na lamang ito sa Mayo 2024.

“Nasa gitna pa rin tayo ng rumaragasang pandemya, hindi pa balik normal ang lahat. Hindi natin sigurado kung ano ang kalagayan ilang buwan mula ngayon. Kaya ang aking panukala, ipagpaliban muna ito,” ayon sa kongresista.

“At nakita naman natin, nitong nakaraang halalan, napakamahal ng gastos kaugnay sa preparasyon at aktuwal na botohan sa ating pagnanais na maging ligtas ang lahat ng nais na bumoto. Mas makakabuti kung makakatipid tayo ngayong taon at magamit pa sa ibang bagay ang pondong nakalaan sa halalan,” dagdag nito.

Naghain din ito ng House Bill No. 3384 na naglalayong amiyendahan ag RA 9164  para ipagpaliban ang Barangay at SK elections sa Disyembre  5, 2022 at gawin ito sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo 2024.

Sinabi pa ni Hataman na sa buong mundo, mahigit sa 80 bansa na ang nagdesisyong ipagpaliban ang kanilang national at subnational elections dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

Maliban pa aniya, sa Pilipinas ang eIeksyon ay itinuturing na pinakamahal para sa “COVID-proof” elections.

“More than P1 billion was allocated for the purchase of items labeled as ‘COVID-19 supplies:’ face masks, alcohol, plastic acetates, and antigen tests for election officers who attended training,” sabi ni Hataman sa kanyang Explanatory Note.

“With the passage of the bill, the government is expected to generate savings of approximately P8 billion – a significant amount for a cash-strapped government. This representation believes that the budget could be realigned for economic stimulus and COVID-19 response programs for the benefit of the entire nation,” sabi pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s