
Ni NERIO AGUAS
Alinsunod sa programa ng gobyerno sa pagpapataas ng produktibidad ng sakahan, natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasayos ng farm-to-market road sa Barangay San Agustin, Dulag, Leyte para sa logistical support sa mga magsasaka sa pagdadala ng mga produkto sa mga sentro ng pamilihan.
Batay sa ulat na isinumite ni DPWH Region 8 Director Allan S. Borromeo, sinabi ni Secretary Manuel M. Bonoan na ang 1.02 lane-kilometer concrete road project ay natapos sa pamamagitan ng alokasyon na P11.7-million sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).
“With this project, farmers will be able to benefit with paved road allowing transport of goods to traders and consumers with relative ease,” said Secretary Bonoan,” ani Bonoan.
Ipinatupad ng DPWH Leyte Second District Engineering Office, ang proyekto ay nagsimula noong Abril at natapos noong nakalipas na Hulyo 2022.