Kamara nagbigay ng P5 milyong pabuya sa ikadarakip ng pumaslang kay Lapid – Speaker Romualdez

NI NOEL ABUEL

Inihayag ni House Speaker Martin G. Romualdez na nagkaisa ang mga kongresista na magbigay  ng P5 milyon para sa sinumang makapagbibigay  ng impormasyon sa ikadarakip ng responsable sa pagpatay sa beteranong mamamahayag at broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Romualdez ang nasabing pabuya ay nagmula sa personal contributions ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na labis na nagulat sa balitang paglikida sa isang mamamahayag tulad ni Lapid na Percival Mabasa sa tunay na pagkatao.

 “We in the House view with concern the killing of Percy Mabasa. The perpetrators and the masterminds behind this dastardly act must be brought to justice at all costs. Violence has no place in a civilized society like ours,” sabi ni Romualdez.

Ikinalungkot ng mga kongresista ang patuloy na karahasan laban sa mga mamamahayag na ginagawa lamang ang tungkulin bilang tagapaghatid ng balita.

“The role of journalists is very critical in ensuring transparency in government. Protecting them is very important in guaranteeing freedom of speech and freedom of expression. We in government, consider them as partners in nation-building,” pahayag ni Romualdez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s