Psychological assistance sa mga Filipino ipinanawagan ni Sen. Go

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go para sa mas mataas na interbensyon ng gobyerno, partikular sa anyo ng sikolohikal na tulong at suporta para sa mga Pilipino dahil sa pag-aalala tungkol sa kung paano ang patuloy na pandemya at iba pang mga problema ay nakakaapekto sa kalusugan ng isip ng isang tao.

Binigyan-diin ng senador ang pangangailangan para sa mga ordinaryong mamamayan na unahin ang kanilang kalusugang pangkaisipan at para sa lipunan, sa kabuuan, na huwag basta-basta ipagwalang bahala 

“Marami pong na-depress, maraming talagang tinamaan po noong panahon ng pandemya. Hindi natin maipagkakaila iyan lalung-lalo na po noong panahon ng quarantine, hirap silang mag-adjust,” sabi ni Go sa panayam matapos ang inspeksyon  sa Super Health Center sa Arakan, North Cotabato kamakailan.

Sinabi ni Go na maraming Pilipino ang nagdusa ng pagkawala ng hindi lamang ng kanilang kabuhayan kundi pati na rin ang buhay ng mga mahal sa buhay, kaya mahalaga ang pangangailangan para sa mga isyu sa kalusugan ng isip na maipaliwanag at matugunan.

“Maraming nawalan ng trabaho, maraming nawalan po ng mahal sa buhay. ‘Yun po ang pinakamasakit doon, ‘yung nawalan ng mahal sa buhay. Kaya importante po ang mga mental health programs,” aniya.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, sinabi ni Go na sa pamamagitan ng kanyang suporta sa mental health programs gobyerno at ipinunto na ang nakalaan na pondo para sa mga ito ay dapat ding unahin sa 2023 national health budget. 

“Nagkaroon tayo ng budget allocation na P568 million in 2022 and it will be increased to P1 billion sa 2023 sa NEP, kaya sinusuportahan ko bilang committee chair on Health, itong mga mental health programs ng ating gobyerno,” sabi ni Go.

“Importante talaga lalo na apektado tayo nitong pandemya, ang ating iniisip ay nahihirapan talaga ang mga Pilipino,” dagdag pa nito.

Leave a comment