
NI MJ SULLIVAN
Lalo pang lumakas ang tropical storm Paeng at nakatakdang magpaulan sa buong Bicol region at sa Eastern Visayas mula ngayong araw hanggang Linggo.
Sa inilabas na weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan na rin ang moderate hanggang sa malakas na pag-ulan sa buong lalawigan ng Quezon, MIMAROPA, Caraga, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao.
Light to moderate naman hanggang sa malakas na pag-ulan din ang mararanasan sa buong Metro Manila, Cagayan Valley, Aurora, at sa nalalabing bahagi ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (CALABARZON) at Mindanao.
Ayon pa sa PAGASA, simula ngayon hanggang sa araw ng Linggo asahan na ang malalakas na pag-ulan sa CALABARZON, Bicol Region, Aurora, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Moderate to heavy ang ulan din ang mararanasan sa buong Metro Manila, mainland Cagayan, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Marinduque, Romblon, Mindoro Provinces, at sa buong Central Luzon.
Light to moderate hanggang malakas na pag-ulan din ang mararanasan sa Zamboanga Peninsula at sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, inaasahan na ang pagbaha, landslides kung kaya’t dapat na maghanda ang buong bansa.
Inaasahan ng PAGASA na ang tropical storm Paeng ay kikilos ng kanluran, hilagang kanluran hanggang araw ng Linggo kung saan posibleng mag-land fall ito bukas ng umaga sa Catanduanes bago kumilos pa-kanluran sa Camarines Sur bago dumating sa silangang bahagi ng Camarines Norte.
Pagsapit ng Linggo ng umaga, ang sentro ng TS Paeng ay muling magla-landfall sa silangang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands o Aurora.
Lalo pang lalakas ang TS Paeng habang kumikilos sa karagatan ng Philippine Sea at maaaring umabot sa severe tropical storm category sa loob ng 24-oras.
Sa kasalukuyan, ang sentro ng TS Paeng ay nasa 220 km silangan hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 305 km silangan ng Catarman, Northern Samar taglay ang lakas na hangin na 75 kms/h malapit sa gitna at masungit na hangin na 90 km/h.