Marinduque tatahakin ng TS Paeng  

NI MJ SULLIVAN

Napanatili ng severe tropical storm Paeng ang lakas na dala nitong pag-ulan habang nananalasa sa buong Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Bicol region, Marinduque, Romblon, Mindoro Provinces, at hilagang bahagi ng Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Islands.

Ayon sa inilabas na advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na mararanasan ng nasabing mga lugar ang malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng mga pagbaha at paggguho ng lupa.

Ngayong araw ay naranasan ang malakas na pag-ulan sa buong Metro Manila, Calabarzon, at sa iba pang lalawigan.

Apektado rin ng malakas na ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, ar Central Luzon at sa Visayas.

Bukas ng umaga, asahan ang malalakas na ulan sa Subic, Zambales, Bataan, at Ilocos Region habang mahina hanggang sa malakas din na pag-ulan ang mararanasan pa rin sa Metro Manila, MIMAROPA, sa CALABARZON, at sa Gitnang Luzon.

“Under these conditions, widespread flooding and rain-induced landslides are expected, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities with significant antecedent rainfall,” sabi ng PAGASA.

Nakataas pa rin ang Alert Signal no.3 sa Luzon tulad ng Marinduque, hilaga at gitnang bahagi ng Quezon, (Pitogo, San Andres, Buenavista, Lucena City, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Tiaong, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Macalelon, Mauban, Dolores, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Guinayangan, Calauag) kasama na ang Pollilo Islands, Laguna, Batangas, Cavite, Metro Manila, Rizal, Bataan, ang katimugang bahagi ng Zambales gaya ng Olongapo City, Subic, Castillejos, San Antonio, at ang Lubang Islands

Samantala, signal no. 2 naman sa hilagang-kanluran ng Sorsogon (Pilar, Donsol), ang katimugang bahagi ng Masbate (Aroroy, Baleno, Mandaon) kasama na ang Burias Island, Camarines Sur, Camarines Norte, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, ang nalalabing bahagi ng Quezon, Romblon, Nueva Ecija, Pangasinan, Albay, katimugang bahagi ng Aurora (San Luis, Baler, Dingalan, Maria Aurora), Bulacan, Pampanga, Tarlac, at nalalabing bahagi ng Zambales.

Apektado rin ng signal no. 2 ang hilagang kanluran ng Antique (Libertad, Pandan, Caluya Islands) at kamitugang bahagii ng Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay, Tangalan, Makato, Numancia, Lezo).

Nakataas naman sa signal no. 1 ang Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, La Union,ang nalalabing bahagi ng Aurora, Catanduanes, Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao Island, at ang hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli, Roxas, San Vicente) kasama na ang Calamian at Cuyo Islands.

Signal no. 1 din sa Visayas kasama ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Bohol, Negros Occidental, Negros Oriental, Guimaras, ang nalalabing bahagi ng Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.

Ang lokasyon ng severe tropical storm Paeng ay nasa bisinidad ng Mogpog, Marinduque at kumikilos ng pakanluran timog-kanluran sa bilis na 25 km/h taglay ang lakas na hangin na nasa 95 km/h.

Inaasahan na bukas ng umaga ang STS Paeng ay nasa katimugang bahagi ng Subic, Zambales at Iba, Zambales at pagsapit naman ng Oktubre 31, 2022 ang bagyo ay nasa Baguio City, Benguet bago kililos patungo sa Laoag City, Ilocos Norte.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s