
Ni NERIO AGUAS
Kalaboso ang isang Ghanian na pinaghihinalaang mastermind ng West African syndicate na sangkot sa pangha-hacks sa automated teller machines (ATMs) sa bansa.
Kinilala ni Immigration Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang nadakip na African na si Victor Patrick, 34-anyos, ng mga tauhan ng pinagsanib puwersa ng BI at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Oktubre 14 sa parking lot sa isang mall sa Bicutan.
Ayon kay Manahan, armado ng mission order, nagsagawa ng operasyon ang BI egents matapos makatanggap ng impormasyon mula sa local intelligence authorities hinggil sa illegal na gawain ng nasabing dayuhan.
“The AFP said that Patrick is one of the prime suspects involved in an ATM hacking syndicate. He has been seen to frequent several big banks in Brgy. Moonwalk in Parañaque,” sabi ni Manahan.
Idinagdag pa ni Manahan na matapos ang beripikasyon sa travel history at visa status ni Patrick, natuklasan na dumating ito sa bansa noong Abril 20, 2019 gamit ang tourist visa at nag-apply ng mission visa base sa petisyon ng isang Cebu-based company.
Nagsagawa naman ng surveillance ang mga ahente ng BI sa nasabing kumpanya at dito natuklasan na hindi ito tunay.
Samantala, sinabi ni Immigration Commissiner Norman Tansingco na si Patrick ay nahaharap sa deportation charges dahil sa paglabag sa Section 37(a)(9) ng Philippine Immigration Act of 1940 matapos makakuha ng pekeng immigration document.
“Patrick’s visa is deemed void from the start considering that it was obtained by means of fraud,” sabi ni Tansingco.
Idinagdag ni Tansingco na nakikipag-ugnayan na ito sa lokal na ahensya upang mahanap at arestuhin ang mga posibleng kasabwat at iba pang dayuhang scammers na maaaring nasa bansa.