
NI MJ SULLIVAN
Inaasahang magkakaroon na ng maayos na panahon ang malaking bahagi ng bansa matapos ang pananalasa ng sever tropical storm Paeng na ngayon ay kumikilos na patungo sa West Philippine Sea.
Sa kasalukuyan, nakakaranas ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan sa Zambales, Bataan, Aurora, Pangasinan, Batanes, at sa hilagang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.
May mga pag-ulan ding mararanasan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMARPOPA, Camarines Provinces, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga o hapon ay tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Kumikilos ngayon ang bagyong Paeng kanluran timog kanluran sa loob ng 12-oras at sa pagsapit ng Martes ay dadaan ito sa hilaga hilagang kanluran o hilagang kanluran.
Sa Miyerkules ay inaasahang patungo na sa southern China ang bagyo.
Ang sentro ng TS Paeng ay nasa 225 km kanluran hilagang kanluran ng Iba, Zambales o 240 km kanluran ng Dagupan City, Pangasinan taglay ang lakas na hangin na nasa 85 km/h malapit sa gitna at gustiness na nasa 105 km/h.
Nakataas na lamang ang alert level 2 sa La Union, sa central at western portions ng Pangasinan (San Fabian, San Jacinto, Mapandan, Santa Barbara, Malasiqui, Bautista, Alcala, Urbiztondo, Mangatarem, Basista, San Carlos City, Calasiao, Mangaldan, Dagupan City, Binmaley, Aguilar, Bugallon, Lingayen, Labrador, Infanta, Dasol, Mabini, Sual, City of Alaminos, Burgos, Agno, Bani, Bolinao, Anda, Bayambang), ang northwestern portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, Mayantoc, San Jose, Moncada), and the northern portion of Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba).
Signal no. 1 naman sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Apayao, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Abra, Benguet, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, ang nalalabing bahagi ng Tarlac, ng Zambales, Bataan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, ng Pangasinan, Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, ang hilaha at gitnaang bahagi ng Quezon (Lucena City, Pagbilao, Infanta, Tiaong, Unisan, Plaridel, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Mauban, Dolores, General Nakar, Perez, Agdangan, Atimonan, Real) kasama ang Pollilo Islands, ang hilaga at gitang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Mamburao, Santa Cruz, Paluan, Sablayan) kabilang ang Lubang Islands, hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro (Naujan, Puerto Galera, Victoria, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Pola, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Bansud).
Samantala, isa pang sama ng panahon na posibleng maging bagyo ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tropical cyclone advisory ng PAGASA, ang tropical depression ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang lumalakas patungong pakanluran.
Sa sentro ng nasabing tropical depression ay nasa layong 1,250 km silangan ng Northeastern Mindanao taglay ang lakas na hanging aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at gustiness na nasa 55 km/h.
Bukas ng umaga, inaasahang nasa 955 km silangan ng Northeastern Mindanao bago kumilos patungo sa 790 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa Nobyembre 1, ang nasabing TD ay nasa 505 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at pagsapit ng Nobyembre 2, ito ay nasa 295 km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Sa sandaling maging bagyo, papangalanan itong Queenie.
Ngunit nilinaw ng PAGASA na wala namang magiging epekto sa bansa ang nasabing weather system subalit pinayuhan ang publiko at ang disaster risk reduction and management offices na patuloy na mag-monitor sa naturang tropical cyclone.