
NI NOEL ABUEL
Umabot na sa P75 milyon ang natanggap na tulong pinansyal at kind donations ng Kamara sa pagpapatulpy na inisyatiba ng tanggapan ni Speaker Martin G. Romualdez na tulungan ang mga biktima ng nagdaang severe tropical storm Paeng.
Nabatid na sa inisyal na ‘in kind” o non-cash donations, umabot na sa P26,316,409 milyon ang halaga ng food items, blankets, at toiletries stood at P26,316,409.
“Marami pong salamat sa lahat ng mga mabubuting puso na tumulong sa ating relief drive. We need all the help that we can get, we already reached many affected families nationwide and we vow to bring the remaining aid to the affected families as soon as possible,” sabi ni Leyte Rep. Romualdez.
Samantala, ang cash donations at pledges ay nasa P49.2 milyon.
Ang fund drive ay pinangunahan nina Speaker Romualdez at ng misis nitong ni House Committee on Accounts chairperson at Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez; House Committee on Appropriations chairman, Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe at iba pang mambabatas.
Una nang sinabi ni Romualdez na maliban sa tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng relief mission ay makakatanggap ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Sa mga nakalipas na araw, ang Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, ang naging bagsakan ng mga donasyon at dito na rin nire-repack ang dinadalang relief goods sa mga biktima ng bagyon.
Noong Lunes, una nang tumanggap ng 150 boxes (1,500 packs) ng relief goods, 80 bundles ng bottled water, at 20 sako ng bigas ang ipinadala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lalawigan ng Cagayan na ipinamahagi ni Cagayan 3rd district Rep. Joseph “Jojo” Lara.
At ng sumunod na araw, nasa 150 boxes (1,500 packs) ng relief goods, 80 bundles ng bottled water, 20 sako ng bigas, isang kahon ng multivitamins, at isang kahon din ng vitamin C ang dinala ng mga volunteers sa Camarines Norte gayundin sa Tacloban City.
Habang sa Cavite, nabigyan ito ng 100 boxes (1,000 packs) ng relief goods, 80 bundles ng bottled water, 30 sako ng bigas, isang kahon ng multivitamins, at vitamin C.
Pinangunahan naman ng Tingog party-list sa pakikipagtulungan ng opisina ni Romualdez ang pagpapadala ng relief goods sa Maguindanao.