Sen. Revilla nanawagan ng tulong sa mga senador: Tulungan ang Cavite

Walang pagsidlan ng tuwa ang mga biktima ng bagyong Paeng habang tinatanggap ang ayuda mula kay Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

NI NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Ramon ‘Bong” Revilla Jr., ng tulong sa mga kapwa nito senador para tulungan ang lalawigan ng Cavite na labis na sinalanta ng nagdaang severe tropical storm Paeng.

Sinabi ni Revilla na labis itong nalulungkot sa sinapit ng mga kababayan nito na nilubog ng tubig-baha na halos lagpas tao nang tumama ang bagyong Paeng partikular ang Bacoor City, Noveleta, at Kawit.

“Nananawagan ako sa mga kapatid kong senador sana ay tulungan ang mga tinamaan ng bagyo dito sa lalawigan ng Cavite. Ang matinding tinamaan ay ang 1st at 2nd district ng lalawigan,” sabi ni Revilla.

Sinabi pa ng senador na dahil sa pananalasa ng bagyo at iba pang kalamidad, pag-uusapan ng mga senador ang budget sa susunod na taon kung dapat na itong dagdagan.

“Dahil sa sunud-sunod na matinding bagyong ito ay pag-uusapan namin tutal budget season naman ngayon sa plenary. We will talk about this dahil sa bagyong tumama ang bagyo, lindol at pagputok ng bulkan kailangan siguro dagdagan pa natin ang pondo para makapagbigay ng mabilis na ayuda,” sabi pa ni Revilla.

Bagama’t batid naman aniya nito na mabilis naman ang pag-aksyon ng pamahalaan sa nangyaring kalamidad ay mas mabuti na kumilos ang mga mambabatas para marami ang mabigyan ng tulong.

“Although alam naman natin na mabilis umaksyon ang national government pero siguro mas maganda na dagdagan pa natin ng bala para mas marami pang maipamigay sa ating mga kababayan,” ayon pa sa senador.

Matatandaan na hindi pa halos tuluyang lumalabas ng bansa ang nanalasang bagyong Paeng ay agad nang namahagi ng tulong si Revilla sa Kawit, Noveleta, Tanza  at Brgy. Panapaan 3 at 4  na lahat ay pawang sa lalawigan ng Cavite.

Sinabi ni Revilla na tuluy-tuloy ang isasagawa nitong pamamahagi ngunit dahil sa lawak ng pinsala sa buong bansa ay hindi naman kayang sabay-sabay ngunit sisikapin umano niyang makapagbigay ng tulong sa mga nasalanta.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s