
NI KAREN SAN MIGUEL
Isang masuwerteng lotto bettor ang mag-uuwi ng P29.7 milyon matapos makuha ang jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa Facebook post ng PCSO, ang nasabing bagong milyonaryo ay nakakuha ng kumbinasyon na 40-03-34-37-19-15 sa ginanap na lotto draw noong Sabado ng gabi.
Samantala, 12 lotto bettors din ang nakakuha ng consolation prize na P100,000, habang 550 indibiduwal naman ang nakakuha ng P1,500.
Sa kabilang banda, isa pang mananaya ng lotto ang mag-uuwi rin ng P15.395 million jackpot prize sa 6/42 Lotto draw.
Sa pamamagitan ng nakuha nitong kumbinasyon na 31-32-08-25-29-14.
Dinagdag pa ng PCSO na 22 mananaya ang nakakuha ng second prize na P24,000 sa 6/42 draw.
Isa pang masuwerteng mananaya ng 6D Lotto draw ang mag-uuwi ng P1.8 milyon prize sa winning combination of 9-1-8-1-0-3.
Tumanggi namang tukuyin ng PCSO ang lugar kung saan nanggaling o tumaya ang mga nanalo ng jackpot prize.