Cancer patients sa NCH pinasaya ng basketball players at kongresista

Ni NOEL ABUEL

Namahagi ng tulong sa mga pasyente ng National Children’s Hospital (NCH) ang ilang manlalaro dating manlalaro ng Barangay Ginebra at ni Tutok to Win party list Rep. Sam Verzosa.

Personal na inabot ni Verzosa kasama sina Rhian Ramos, dating Barangay Ginebra players Jayjay Helterbrand at Rico Maierhofer at Pinoy Sakuragi Marc Pingris ng PBA Motoclub at kinatawan ng Mav’s Phenomenal Basketball ang financial assistance para sa hospital bills ng mga pasyente na kulang o walang pambayad ng kanilang mga hospital bills pati ang mga regalong grocery packs at toys.

“Gusto namin magpasalamat sa mga doctor, nurses at mga social workers sa National Children’s Hospital. Saludo po kami sa inyo. Salamat po sa pag-alaga, pagbibigay ng oras at serbisyo sa mga cancer patients natin. Kami po sa Tutok to Win nila Kuya Wil, matagal na ninyo pong nakakasama at ipagpapatuloy po namin yung pagtulong namin dito,” pagbabahagi ni Verzosa.

Matatandaan na una nang naganap ang charity basketball game ng PBA Motoclub at ng Mav’s Phenomenal Basketball noong ika-22 ng Oktubre 2022 sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City.

Nagbigay ng malaking halaga ang kongresista bilang sponsorship para sa nasabing charity game na inabot sa NCH nitong Nobyembre 12 2022.

“Of course, kasama natin dito ‘yung PBA Moto Club led by Jayjay Helterbrand, Marc Pingris, Rico Maierhofer, pati si Kuya Will, at lahat ng bumubuo ng Tutok to Win. Tuluy-tuloy lang po ang pagtulong at pagbibigay namin ng financial assistance at mga regalo sa mga pasyente natin dito sa NCH,” dagdag pa ni Verzosa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s