Staff ng mambabatas namatay sa panganganak!

UNA, gusto nating makiramay sa pamilya, kaanak at kaibigan ng isang staff ng mambabatas na namatay kamakailan dahil sa panganganak.

                Sinadya kong hindi banggitin ang kanyang pangalan upang mabigyan ng dignidad kahit papano ang kanyang pagkamatay.

                Actually, wala naman sigurong may gusto na mamatay ang isang tao, lalo na kung dahil lamang sa panganganak.

                Kaya lang gusto kong kunin ang atensiyon ng isang mambabatas na boss ng batang ina.

                Dalawampu’t walong taong gulang lang itong bata na maagang binawian ng buhay na puwede sanang maiwasan kung naging maayos lang ang kalagayan nito sa trabaho.

                Nalaman natin na sa ‘lying-in clinic’ lang ito nanganak.

                Kasi, hindi pala ito ‘regular’ sa trabaho kundi isa lang itong ‘consultant’ sa mahabang panahon.

                Ibig sabihin, wala itong kaukulang benepisyo na tinatamasa ng isang regular na empleyado.

                Kung hindi ako nagkakamali, mahigit limang taon na ring nagtatrabaho sa mambabatas ang pobreng ginang.

                Bagong kasal lang ito at ang iniluwal nitong bata ay kauna-unahang anak nilang mag-asawa.

                Ang mga mababatas natin kung magsalita tungkol sa ‘endo’ o ‘contractualization’ pero sila pala mismo ay maraming mga empleyado na halos katiting lang ang sinusuweldo.

Kung naging mabait lang sana itong si mambabatas sa kanyang empleyado, eh di sana kahit papano ay nakapanganak sa maayos na hospital ang bata.

Hindi ko minamaliit ang mga ‘lying in clinic’ dahil kahit ang pinakahuli kong apo ngayon ay ipinanganak lang din sa ‘maternity clinic.’ Intindido ang kalagayan ng anak kong lalaki dahil wala itong regular na trabaho ngayon, gayundin ang kanyang asawa.

Pero para sa isang staff ng mambabatas, para yatang may malaking pagkukulang.

Kasi ang alam ng media (yes, kaibigan po ng mamamahayag ang namayapang ginang), na maayos ang nakukuha nitong suweldo buwan-buwan.

                Lalo’t ang kanyang boss na mambabatas ay isa sa pinakamayamang nilalang sa Pilipinas.

Pero dahil ‘pabayang’ Boss, mas pinili ng ginang na maging simple.

Hindi lang tayo sigurado kung sinubukan bang lumapit ng batang ginang sa kanyang boss para sana sa kanyang pangangak.

                Ngunit ang nasisiguro natin, kahit saya ninong sa kasal ay hindi niya ito kinuha – considering matagal na niyang boss ito at halos para na rin siyang ‘close in staff’ sa tuwing may mahahalagang event.

Ang ibig sabihin nito, hindi ganu’n kabuting boss si mambabatas.

                Sana magsilbing aral sa lahat ng boss ang nangyari sa batang ginang.

                Kasi, karamihan sa mga pulitiko natin ngayon kung mag-project ng imahe sa publiko ay napakabuti at napakabait. Pero pagdating sa sarili nilang tauhan ay wala silang kahit katiting na malasakit man lang.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s