Panukalang pagpapataw ng P100 excise tax sa single-use plastic pasado na sa Kamara

Ni NOEL ABUEL

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang magpataw ng excise tax sa single-use plastic bags.

Sa botong 255 pabor at 3 naman ang tutol, ipinasa ng Kamara ang House Bill (HB) No. 4102 na inihain nina Albay Rep. Joey Salceda, Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing.

Paliwanag ng mga mambabatas, ang paggamit ng plastic ay nakasasama sa kalikasan at hindi rin maganda sa kalusugan ng tao.

Kabilang din sa mga naging authors ng panukala sina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Nicanor M. Briones, Lex Anthony Cris A. Colada, Rodolfo “Ompong” M. Ordanes, Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano, Sergio C. Dagooc, Teodorico Jr. T. Haresco, James “Jojo” Jr. A. Ang, Lordan G. Suan, John Tracy F. Cagas, Allan U. Ty, Sonny “SL” L. Lagon, Eric G. Yap, Rosanna “Ria” V. Vergara, Nicolas VIII C. Enciso, Maria Carmen S. Zamora, Elpidio Jr. F. Barzaga, Ron P. Salo, Ray Florence T. Reyes, Stella Luz A. Quimbo, Arnie B. Fuentebella, Mario Vittorio “Marvey” A. Mariño, Ernesto Jr.
M. Dionisio, Ricardo T. Kho, Florida “Rida” P. Robes, Ramon Rodrigo L. Gutierrez, Nelson L. Dayanghirang, Jose C. Alvarez, Marvin D. Rillo, Michael B. Gorriceta, Ralph G. Recto, Wilbert T. Lee, Jose Gay G. Padiernos, Juan Carlos “Arjo” C. Atayde, Midy N. Cua, Bienvenido Jr. M. Abante, Alfelito “Alfel” M. Bascug, Alfred C. Delos Santos, Bernadette “BH” Herrera, Kristine Singson-Meehan, Rufus B.R odriguez, Franz Pumaren, Ramon Jr. C. Nolasco, Adrian Michael A. Amatong, Stephen James T. Tan, Janice Z. Salimbangon, Wilter Y. Palma, Harris Christopher M. Ongchuan, Shernee A. Tan-Tambut, Emigdio III P. Tanjuatco, Gabriel Jr. H. Bordado, Ramon Jolo III B. Revilla at Marissa “Del Mar” P. Magsino.

Idinagdag pa ng mga kongresista na ang polusyon dulot ng plastic ay nagdudulot ng malaking banta sa kapaligiran, lalo na sa mga ilog, kung saan ang mga mangingisda ay nakasalalay sa kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Salceda na ang Pilipinas ang pangatlo sa pinakamalaking kontribyutor sa plastic pollution, na may 2.7 milyon hanggang 5.5 milyong metrikong tonelada ng plastic na basura na nalilikha bawat taon, ang ikalimang bahagi nito ay napupunta sa karagatan.

Nagdudulot din ito ng problema sa mga nararanasang pagbaha sa buong bansa.

Dinagdag pa nina Suansing na bukod sa masamang epekto sa kapaligiran, ang mga plastik ay isang panganib sa kalusugan ng mga tao, dahil ang mga produktong ito ay naglalaman ng mga kemikal na nagdudulot ng kanser tulad ng Bisphenol A o BPA.

Sa ilalim ng House Bill No. 4102, P100 tax ang ipapataw sa kada kilo ng single-use plastic bags na maaalis sa lugar ng produksyon o inilabas sa Bureau of Customs.

Ang buwis ay madadagdagan ng apat na porsiyento bawat taon simula sa Enero 1, 2026.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s