10-araw na service incentive leave ng manggagawa aprub na sa Kamara

Rep. Mark Go

Ni NOEL ABUEL

Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong itaas sa 10 araw ang mandatory 5-days na service incentive leave para sa mga kwalipikadong empleyado na itinakda sa ilalim ng Labor Code.

Sa botong 273, ipinasa ng mga kongresista ang House Bill (HB) No. 988 na naglalayong amiyendahan ang Article 95, as amended, na Presidential Decree No. 442 o ang Labor Code of the Philippines na dagdagan ang service incentive leave with pay given sa bawat empleyado na makapagtrabaho ng isang taon.

Ang panukala ay inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Reps. Mark Go, Luis Raymund Villafuerte, Miguel Luis Villafuerte, Tsuyoshi Horibata, Nicolas Enciso, Juan Fidel Nograles, Mary Mitzi Cajayon-Uy, Charisse Anne Hernandez, Keith Micah Tan, Allan Ty, Christopherson Yap, Munir Arbison Jr., Arlene Brosas, France Castro, Christopher de Venecia, Paolo Duterte, Edcel Lagman, Romeo Acop, Bonifacio Bosita, Carl Cari, Edwin Gardiola, Gerville Luistro, Khymer Olaso, Rodolfo Ordanes, Florida Robes, Geraldine Roman, Roman Romulo, Ma. Alana Santos, Jeffrey Soriano, Leody Tarriela, Jocelyn Tulfo, Patrick Vargas, at Loreto Acharon.

Katulad ng orihinal na probisyon, ang service incentive leave ay hindi dapat ipatupad sa mga sumusunod: (1) sa mga tumatangkilik na sa benepisyong ito, (2) sa mga tumatangkilik sa bakasyon na may bayad na hindi bababa sa 10 araw, at (3) sa mga nagtatrabaho sa mga establisimiyento na regular na gumagamit ng mas mababa sa sampung empleyado o sa mga establisimiyento na exempted sa pagbibigay ng benepisyong ito ng kalihim ng DOLE matapos isaalang-alang ang posibilidad na mabuhay o pinansiyal na kalagayan ng naturang establisimiyento.

“At present, our laws do not require employers the granting of sickness and vacation leaves. These work incentives are given based on the prerogative of the employers either by express stipulation on the employee’s contract or thru collective bargaining agreement. What the Labor Code provides instead are service incentive leaves (SIL),” sabi ni Go.

“With the increase in the number of leave credits in the form of sick or vacation leaves left purely at the discretion of employers, employees constrained by limited leave credits are left vulnerable to sickness, emergencies, and other fortuitous events that would cost them a day of paid work. The granting of paid leaves is not only beneficial to the employees but economically advantageous for employers as well,” dagdag nito.

Sinabi ni Go na ang ganitong mga insentibo ay nagpapalakas ng moral at kasiyahan ng mga empleyado na ipinapakita sa pagtaas ng produktibidad, at pinapaliit ang panganib ng mga isyu sa kalusugan at kaligtasan sa mga empleyado, na maaaring maging mas magastos para sa parehong mga empleyado at employer sa mahabang panahon.

May kahalintulad na panukala noong 18th Congress na naipasa at ibinigay sa Senado ngunit dahil sa kakulangan ng oras ay hindi ito naipasa.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s