Kamara pinuri sa pagpasa sa HB5

Rep. Howard Guintu

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni PINUNO party-list Rep. Howard Guintu ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill 5, na magtatatag ng on-site, in-city, near-city, o off-city local government resettlement program para sa mga pamilyang informal settler (ISFs).

“Natutuwa tayo na sa wakas ay naipasa na ang panukalang batas na ito na kung tutuusin ay noong 17th pa nakabinbin dito sa Kamara. We thank our colleagues led by Speaker Martin Romualdez for the political will to ensure the passage of this measure,” sabi ni Guintu, isa sa principal author ng nasabing panukala.

Sinabi ni Guintu na ang HB 5 ay magiging lubhang kapaki-pakinabang sa mga ISF na kailangang ilipat dahil ang iminungkahing batas ay nag-uutos na ang isang “sapat at tumutugon na konsultasyon” ay gaganapin sa mga apektadong pamilyang informal settler bago ang relokasyon.

“Inaamendyahan po ng panukalang batas na ito ang Urban Development and Housing Act of 1992 o UDHA upang ma-institutionalize ang pagkakaroon ng makabuluhang konsultasyon sa mga apektadong pamilya. Magkakaroon na ng ‘say’ ang mga pamilyang kailangang i-likas sa kung paano sila irerelocate. Wala nang gulatan at hindi na dapat pa maging sapilitan ang relocation,” sabi nito.

“Hindi lang basta-basta simpleng relocation ito. We aim to give them decent housing. And as such, there are provisions in place in HB 5 that would include the basic services and facilities relative to the health, education, communication, security, recreation, relief and welfare, livelihood, and transportation needs of the affected ISFs,” dagdag pa ni Guintu.

“Siyempre kapag lumipat ka ng tirahan, dapat mayroon ding accessible na paaralan para sa mga bata, ospital, simbahan, maayos na daan, at iba pang basic services. Dapat masiguro rin na hindi maapektuhan ang hanapbuhay ng mga ililipat o kung hindi ito maiiwasan ay magkakaroon sila ng trabaho sa liipatan nila. This is the only way that relocation will be sustainable for this families – by giving them the means to make a living,” giit nito.

Nagkakaisang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 5 sa botong 254.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s