
NI NERIO AGUAS
Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na hindi na mauulit ang nangyaring mahabang pila ng mga dumating na pasahero sa mga immigration lines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakailan.
Ito ang paniniyak ni BI Commissioner Norman Tansingco kung saan magpapatupad ang ahensya ng ilang panuntunan ngayong panahon ng holiday season upang maserbisyuhan ng maayos ang mga dumarating at umaalis na pasahero.
“Historically, during Christmas and New Year, the number of travelers significantly increase worldwide. Hence we are making sure that we are fully manned and ready to service the traveling public,” sabi ni Tangsingco.
Nabatid na unang lumabas noong Nobyembre 12 ang ilang larawan na kuha ng isang pasahero na mahabang pila sa immigration lines sa NAIA na nagresulta sa pag-aalboroto ng ilang pasahero.
Nilinaw ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na ang nasabing insidente ay bunsod ng sabay-sabay na pagdating ng 11 flights kung kaya’t napuno ang immigration counters na umabot sa mahigit 2,000 indibiduwal ang naiipit.
“Processing that much passengers within a short period of time, coupled with the limited area for passengers is really bound to cause a queue. However, we make sure that we process them as efficiently as possible, and the lines were finished immediately,” sabi ni Capulong.
Idinagdag pa ni Capulong na 14 primary inspection officers ang idinagdag sa mga nagulat na mga immigration officers sa dami ng pasahero.
Sinabi pa nito na 5 electronic gates na matatagpuan sa NAIA 3 ay fully operational dahilan upang mabawasan ang oras ng pagpoproseso sa mga papeles ng mga pasahero na nasa 8 segundo kada isang indidibiiduwal.
“Airport personnel will also be prohibited to go on leave during the peak season to ensure adequate manpower,” ani Capulong.
Ipinagmalaki pa ng BI na mahigit sa 140 counters ang nakalagay sa mga arrival at departure areas sa NAIA kung saan ilan linya ay inilaan sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
“We remain committed to ensure that we deliver the best service especially during the holiday season. He highlighted that their processes at the NAIA are ISO-certified, proving that they are at par with international standards. We aim to further improve our services in the next few years, to make things faster and easier for travelers as we welcome tourists again to our shores,” ani Tansingco.
Nakatakda rin ipakalat ng BI ang 55 immigration officers sa NAIA na nakatakdang magtapos sa pagsasanay sa Philippine Immigration Academy.