P2K allowance ng PWDs isinulong ng kongresista

Rep. PM Vargas

Ni NOEL ABUEL

Naghain ng panukalang batas ang isang kongresista na naglalayong magbigay ng buwanang suportang allowance na nagkakahalaga ng P2,000 para sa mga persons with disabilities (PWDs), na kinikilala na kailangan nila ng patas na solusyon upang malampasan ang mga hadlang ng kahirapan ng mga ito.

Sa House Bill no. 5803 o ang “Disability Support Allowance Bill” na inihain ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas , isinusulong ng advocacy groups Life Haven Center for Independent Living, Nationwide Organization of Visually-Impaired Empower Ladies (NOVEL), at ang Philippine Coalition on United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities, na naglalayong magtayag ng social protection program sa mga PWDs at kanilang pamilya.

Sa explanatory note, nakasaad na ang HB 5803 na ang mga taong may kapansanan ay kumakatawan sa hindi bababa sa 12% ng populasyon ng nasa hustong gulang sa bansa at nahaharap sa malalaking hadlang sa pag-access sa edukasyon at community and citizenship participation, at pag-agaw ng mga economic opportunities.

“Because of multiple socio-economic barriers, persons with disabilities have less income and more expenses than those without disabilities, and under the COVID-19 crisis, their economic vulnerabilities have intensified further preventing them and their families from escaping poverty,” sabi ni Vargas.

“In a just and humane society that leaves no one behind, it is important that we ensure equitable access and empower persons with disabilities to free themselves and their families from the poverty trap,” giit nito.

Sa nakalipas na mga dekada, ang bansa ay nagpatibay ng isang hanay ng mga hakbang upang suportahan ang mga taong may kapansanan, kabilang ang 20 porsiyentong diskuwento sa kapansanan na nagbibigay ng 20% ​​diskwento sa mga taong may kapansanan, ang mandatory at subsidized na PhilHealth membership, na dapat sumasagot sa mga pangangailangan ng mga PWDs  at ang programang 4Ps, na namumuhunan sa edukasyon ng mga mahihirap na bata, kabilang ang mga may kapansanan.  Gayunpaman, ang nasabing mga programa ay may malaking limitasyon sa kung sino ang maaaring makinabang mula dito.

“With the support of advocates, I am hopeful that we can successfully push for the passage of such important legislation for social justice and inclusion,” sabi ni Vargas.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s