Laguna sinaklolohan ni Sen. Revilla

Ni NOEL ABUEL

Hindi inalintana ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang matinding sikat ng araw nang mamahagi ito ng tulong bilang bahagi ng isinagawa nitong Bayanihan relief operations sa mga nasalanta ng kalamidad sa Biñan at Calamba, Laguna.

Kasama ni Revilla sa naturang pamamahagi ng tulong sina Biñan Mayor Arman Dimaguila Jr., Vice Mayor Gel Alonte at Cong. Marlyn ‘Len’ Alonte sa pagbibigay ng Family Food Packs at relief packs sa mga residenteng tuwang-tuwa sa pagdating ng senador.

“Maraming salamat Sen. Bong at naalala mo kami, kailangang-kailangan namin ng tulong” ito ang pahayag ng isang lola na naiiyak pa habang yumayakap kay Revilla nang magtungo ito sa Alberto Mansion sa Barangay Poblacion ng lugar na nabanggit kung saan ginawa ang Bayanihan relief operations.

Nabatid na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring residente ang nanunuluyan pa rin sa mga evacuation centers sa kabila ng ilang panahon na ang nagdaan matapos silang hagupitin ng bagyong Paeng.

Samantala, hindi naman napigilan ni Revilla na kunan ng larawan ang mga residenteng dumagsa sa LCC Auditorium, Calamba Elementary School- Central 2, Barangay 5 Calamba, Laguna nang magsagawa ito ng Bayanihan relief operations para sa mga hindi pa rin nakakaahon sa nagdaang kalamidad.

Kasama ni Revilla sina Mayor Ross Rizal at Cong. Cha Hernandez na namahagi ng libu-libong Family Food Packs at relief packs na inisa-isang iniabot ng senador sa lahat na natuwa dahil bukod sa tulong ay may libreng halik at yakap pa.

Sa huli, inanyayahan ni Revilla ang lahat na makilahok sa kaniyang darating na AMAZING PAMASKO NI POGI dahil mamamahagi umano ito ng samu’t saring regalo.

Kailangan lamang na mag-like lang sa kaniyang Facebook Page: Ramon Bong Revilla, Jr. at abangan ang mga detalye na ipo-post kung paano makakasali at makikisaya sa Paskuhan na siksik, liglig, at umaapaw sa papremyo.

Ang AMAZING PAMASKO NI POGI ay bukas sa lahat sa buong Pilipinas kung kaya’t inaanyayahan ang lahat na sumali at mag-uwi ng regalo ngayong Kapaskuhan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s