Attention Gen. Jonnel Estomo, may pergalan na everywhere!

KUNG may aktibong heneral tayong hinahangaan, isa na rito si Brig. Gen. Jonnel Cabrillos Estomo, ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Simula kasi nang manungkulan ito bilang NCRPO director noong August 8 nang hirangin mismo ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay wala masyadong malalaking sablay ang buong command ng Metro Manila Police Force.

Iyon ay dahil seryoso si Gen. Estomo sa kanyang trabaho at naniniwala rin tayong matindi ang respeto at ‘takot’ sa kanya ng mga namumuno sa Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Southern Police District (SPD), Eastern Police District (EPD) at Northern Police District (NPD).

At siyempre, dahil din iyan sa maayos na paggabay ng ‘silent operator’ ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin.

Si Estomo ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Tanglaw Diwa Class of 1992 at bago naging NCRPO chief, naging director siye ng Police Regional Office (PRO) 7 (Central Visayas) at naging magiting na pinuno ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG).

Kaya anumang uri ng krimen — malaki man o maliit, nasisiguro kong kaya niya itong sawatahin.

                Sa puntong ito, gusto kong tawagan ng pansin ang Idol nating heneral.

                Kasi po, Gen. Estomo sir, dumating sa ating impormasyon ay nagkalat na raw ngayon ang ‘Pergalan’ sa Metro Manila.

                Ang pergalan para sa kaalaman ng lahat ay iyong mga peryang nakikita natin sa mga barangay na front lamang ng illegal gambling.

Hindi lang iyan, front din ito ng illegal drugs at prostitusyon dahil kadalasan ay doon pa nagkakaroon ng transaksiyon.

Una nating pinapatawagan ng pansin ay ang perya sa Bgy. Sto Nino sa Muntinlupa at Bgy. Sto. Nino rin sa Paranaque. Isang alyas Jun at alyas Mystica ang may hawak ng illegal gambling dito na ‘drop ball’ at ‘color game.’

Gayundin sa lungsod ng Caloocan kung saan ay may apat na peryahan dito.

                Isa ang sa Malaria, Caloocan na pinamamahalaan ni Mike; isa ang nasa Deparo Dulo na hawak ni Emily; sa may Harmony na hawak ni Tolits at Sta. Quiteria na hawak ni Adrian.

                Ang poste rito ay si Alex na dating may puwesto sa Novaliches Bayan.

                Natatandaan ko sa kauna-unahang press conference ni Gen. Estomo sa Camp Bagong Diwa ilang araw matapos siyang mag-assume bilang NCRPO chief, limang pulis na nahuli sa pangongotong ang iniharap nito sa media.

                “This is a warning to all police personnel in Metro Manila na hindi natin pwedeng i-tolerate ito. Hindi magandang halimbawa ito, so kung kailangan tanggalin ko sila sa police service, tanggalin natin. Hindi natin sila kailangan. Kailangan natin ng matitinong pulis,” ani Estomo.

Naniniwala tayong ang mga ganitong uri ng pergalan na front ng illegal gambling, illegal drugs at prostitution ay hindi mangyayari kung walang mga police scalawags na nagbibigay proteksiyon sa mga ito.

Pero naniniwala naman tayong maliit na bagay lang ito para hindi naman aksiyunan ni Gen. Estomo.

Sa susunod nating column ay ibubunyag naman natin ang mga pergalan sa lalawigan ng Rizal!

                Abangan n’yo ‘yan mga repapips!

***

Para sa anumang reaksyon o komento at suhestiyon, maaari kayong tumawag sa 09157412674

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s