
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkakahiwalay na paglidol ang mga lalawigan ng Easter Samar at Davao del Sur, Davao Oriental ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang magnitude 3.5 na paglindol sa lalawigan ng Davao Occidental ganap na alas-6:08 ngayong umaga na natukoy ang sentro sa 104 km timog silangan ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim iton 048 km at tectonic ang origin kung saan wala namang naiulat na naapektuhan ng nasabing paglindol.
Ganap namang alas-6:31 ng umaga nang maramdaman ang magnitude 3.4 na lindol sa 096 km timog silangan ng bayan ng Tarragona, Davao Oriental at may lalim na 123 km at tectonic din ang origin.
Samantala, dakong alas-7:29 ng umaga rin ay naitala ang magnitude 3.5 na lindol sa Eastern Samara.
Nakita ang sentro ng lindol sa 011 km hilagang silangan ng bayan ng San Policarpio ng nasabing lalawigan.
May lalim itong 014 km at tectonic ang origin at wala ring inaasahang aftershocks.