Ayuda sa nangangailangang sektor target ng Senate budget –Angara

Ni NOEL ABUEL

Tiniyak ni Senador Sonny Angara na patuloy ang pagbibigay ng ayuda o suporta sa mga sektor na nararamdaman pa rin ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate Finance Committee, sa nagpapatuloy na bicameral conference committee meetings sa 2023 national budget, target ng Senado na bigyan ng tulong ang mga nangangailangang sektor ng lipunan.

Aniya, hindi tulad ng ayuda na ibinigay noong kasagsagan ng pandemya na kinasasangkutan ng pamamahagi ng cash dole out sa malaking bahagi ng populasyon, ang ibibigay sa ilalim ng proposed 2023 budget ay target na tulong sa mga partikular na sektor.

“Ang hangarin natin ay mabigyan ng targeted ayuda para sa ilang sektor tulad ng ating mga healthcare workers, magsasaka, mangingisda, mga operator at drayber ng public utility vehicles, sa ating mga senior citizens, mga nawalan ng trabaho at pati na rin ang pinakamahihirap nating mga kababayan,” sabi ni  Angara.

Tulad umano ng nabanggit ng mga economic managers ng Pangulo, sinabi ni Angara na ang pagbibigay ng cash dole out na katulad ng panahon ng lockdown ay hindi napanatili kung isasaalang-alang kung paano ang gobyerno ay kulang sa pera sa ngayon dahil sa pagbaba ng revenue collections.

Sa ilalim ng panukalang P5.268 trilyong pambansang budget para sa 2023, magpapatuloy ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang isa sa mga matagumpay na programa ng pamahalaan sa pagtugon sa kahirapan.

At ang isa pang programa sa ilalim ng DSWD, ang Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances ay binigyan ng karagdagang pondo ng Senado.

Ang Sustainable Livelihood Program ng DSWD na nagbibigay ng napakahalagang tulong sa mahihirap at marginalized na komunidad sa pamamagitan ng tech-voc at life skills training at iba pa.

Kasama sa programang ito ang isang hanay ng mga intervention sa mga indibidwal, pamilya at komunidad na nasa krisis o kahirapan tulad ng mga natural na kalamidad.  Kabilang dito ang Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Sinabi pa ni Angara na ang Social Pension para sa Indigent Senior Citizens, kabilang ang 100 percent increase na kamakailan ay ipinagkaloob sa ilalim ng Republic Act 11916, ay popondohan sa susunod na taon.

Mula P500 kada buwan, ang mga mahihirap na senior citizen na walang pensiyon o anumang suportang pinansyal mula sa mga kamag-anak ay tatanggap na ngayon ng P1,000 sa ilalim ng bagong batas kung saan co-authored si Angara.

Ang mga healthcare workers ay patuloy na makakatanggap ng mga benepisyo at allowance na katulad ng kanilang nakuha sa ilalim ng Bayanihan law at pagkatapos nito sa bisa ng pagdedeklara ng state of calamity.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s