
Ni NOEL ABUEL
Kumpiyansa si House Speaker Martin G. Romualdez na ang pag-apruba ng bicameral conference committee sa panukalang P5.268-trillion 2023 national budget ay magdadala sa Pilipinas sa tamang landas.
Sinabi ni Romualdez na wala itong duda na ang bersyon ng Kongreso na sumusuporta sa Agenda for Prosperity at eight-point socioeconomic program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“With this budget, which is the first full-year spending plan proposed by the President, we hope to hasten our economic growth, which should benefit our people,” ayon kay Romualdez na pinuri sina Ako Bicol Rep. Elizaldy Co, chairman ng House appropriations committee, at si Senador Sonny Angara, ng Senate Finance Committee chairman, na nag-apruba sa bicam report ng national budget.
Una nito, nagpulong ang bicam committee sa Manila Golf and Country Club sa Makati City upang aprubahan ang bersyon nito ng panukalang programa sa paggastos para sa susunod na taon.
Ayon kay Romualdez, sa pagtataya ng respetadong international credit rating at financial research agency na Moody’s Investor Service, ang Pilipinas ang magiging pinakamahusay na economic performer sa rehiyon ng Asia-Pacific sa susunod na taon na maganda para sa bansa.
Ipinunto ni Romualdez na ang budget bill ay patuloy na magbibigay ng daan-daang bilyong tulong pinansyal, tulad ng tulong medikal, transportasyon, edukasyon, at maging sa burial sa mga pinakamahinang sektor ng lipunan.
Idinagdag nito na ang Department of Budget and Management (DBM) ay maaaring magsimulang maglabas ng pondo ng ahensya sa simula ng 2023 upang mapanatili ang momentum ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
Muling iginiit ni Romualdez ang kanyang katiyakan na magkakaroon ng 2023 budget ang bansa bago ang nakatakdang Christmas recess ng Kongreso sa Disyembre 17.
“It is the most important tool in accomplishing the objectives of the President’s Agenda for Prosperity and his eight-point socio-economic development plan,” sabi ni Romualdez.