Mayor Along pinuri ng PCSO sa programa para sa mahihirap

Ni JOY MADALEINE

Nakatanggap ng P5,522,434.46 milyong charity fund mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City para magamit sa public health care programs ng lungsod

Personal na ibinigay ni General Manager Melquiades Robles kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang nasabing donasyon noong Martes, Disyembre 6.

Ipinahayag ni Mayor Along ang kanyang pasasalamat at intensyon na ilaan ang nasabing pondo sa rescue and public health care programs ng lungsod, lalo na para sa kapakanan ng mga matatanda, street dwellers at mga ulila.

“Nagpapasalamat po tayo sa pagmamalasakit ng PCSO na pinangungunahan ni GM Mel Robles. Ilalaan po natin ito sa pagtulong sa mga kababayan na hirap sa buhay at walang kakayanang magpasuri o magpagamot. Ang bahagi ng pondong ito po’y makakatulong na maibaba natin ang mga serbisyong medikal sa bawat komunidad sa Caloocan,” sabi ng alkalde.

“Palagian po tayong nagsasagawa ng rescue operations at hindi po biro ang pondong kinakailangan upang magtuloy-tuloy ito. Kaya naman malaking bagay po ito sa ating adhikain na iparamdam ang malasakit sa bawat taga-Caloocan, lalo na sa mga lubos na naapektuhan ng krisis, mga walang tahanan at mga biktima ng pang-aabuso,” dagdag pa ni Malapitan.

Nagpasalamat din ito sa PCSO sa dati nitong donasyon na nagkakahalaga ng P300,000 para sa mga nasagip na indibidwal na naninirahan sa Tahanang Mapagpala.

“Salamat din po sa naunang ipinaabot na P300,000 ng PCSO. Inilaan naman po natin ito para sa mga pangangailangang medikal ng ating mga kababayang kinakalinga sa Tahanang Mapagpala lalo na sa ating mga senior citizens doon na mayroon nang iniindang karamdaman,” ani Mayor Along.

Tugon naman ni Robles, pinuri nito si Mayor Along Malapitan at ang City of Caloocan sa programa nito partikular ang mahihirap.

“Siguradong mapapakinabangan ng mga taga-Caloocan ang handog na charity fund ng PCSO. Mayor Along Malapitan, binabati ka namin sa iyong magagandang programa para sa mga higit na nangangailangan at sa iyong mahusay na pamumuno. We wish you and the City of Caloocan all the best,” ayon pa kay Robles.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s