
Ni NERIO AGUAS
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na miyembro ng isang mafia na sangkot sa human trafficking papasok ng Pilipinas.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dinakip na dayuhan na si Andy Cheng, 38-anyos, na naaresto ng mga tauhan ng BI’s fugitive search unit (FSU) noong nakalipas na Disyembre 13.
Sa record, si Cheng na gumagamit ng iba’t ibang alyas ay pinaghihinalaang nasa likod ng naglabasang torture videos ng mga illegal online gaming companies.
Una nang nahuli ito ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) Regional Field Unit National Capital Region (RFU-NCR) noong nakalipas na Disyembre 7 sa Alabang, Muntinlupa City ngunit nagawang makapaglagak ng piyansa makalipas ang 6 araw.
“Our operatives immediately arrested him after learning that he was about to post bail, as he is also wanted by the BI for violating immigration laws,” sabi ni Tansingco.
Iniulat din na si Cheng ay nagpa-plastic surgery upang maiwasan ang pagdakip ng mga awtoridad, habang ang mga baril at maraming pekeng ID ay natagpuan sa kanyang pag-aari.
Sinabi pa ni Tansingco na nagkuwa ring Filipino si Cheng kung kaya’t pinaghahanap ito ng BI at pagiging undesirable alien.
“His continued stay here in the country poses a threat to Filipinos and foreign nationals working here,” said Tansingco. “We will not allow him to continue his illegal activities that sow fear among foreigners in the Philippines,” sabi ng opisyal.
Tinitiyak ni Tansingco na magpapatuloy sa pagkikipag-ugnayan ng BI sa ang mga lokal na ahensya na nagpapatupad ng batas upang mahanap, arestuhin, at itapon ang mga dayuhan na lumalabag sa mga immigration laws.