
Ni NOEL ABUEL
Kinilala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Leyte Rep. Richard Gomez
sa pagkapanalo ng silver medal sa isang internasyonal na kompetisyon para sa shooting sports na ginanap sa Photaram, Thailand noong nakaraang buwan.
Kahapon, pinagtibay ng Kamara ang isang House Resolution (HR) No. 643 na pinararangalan si Gomez sa pangunguna nina Speaker Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Minority
Leader Marcelino C. Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos and TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.
Nabatid na nakuha ni Gomez ang silver medal sa 4th Fédération Internationale de Tir aux Armes Sportives de Chasse (FITASC) Asian Sporting Championship, Senior Division noong nakalipas na Nobyembre 16 hanggang 17 sa Thailand gayundin sa 5th Asian Compak Sporting Championships noong Nobyembre 19 at 20 sa kung saan nakuhan nito ang pang-4 na puwesto.
“For his outstanding performance in bringing honor and pride that put the Philippines at the forefront of the fastest growing shooting sport, and for his exceptional accomplishments that inspire young Filipino athletes to persevere and achieve excellence in their chosen sports, Honorable Gomez deserves utmost commendation,” nakasaad pa sa resolusyon.
Sinasabing naging popular sa Pilipinas ang nasabing palaro nang itatag ni Gomez ang Sporting Clays Association of the Philippines na nag-oorganisa ng sporting clay competitions sa bansa.
“With six disciplines under its rule – combined game shooting, compak sporting, helice, sporting, trap and universal trench, FITASC is an international sports federation for sport shooting based in Paris, France,” ayon pa sa nasabing resolusyon.
Si Gomez, na kilalang sports enthusiast, ay pangulo rin ng Philippine Fencing Association.
“A holder of a Doctorate degree in Public Administration from the Cebu Technological University, Honorable Gomez is married to Ormoc City Mayor Lucy Torres Gomez, with whom he has one daughter, Juliana Marie
Beatriz,” nakasaad pa sa resolusyon na ibinigay rin kay Gomez.