2 milyong manggagawa nakinabang sa P8.6B DOLE aid

NI NERIO AGUAS

Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit sa 2 milyong mahihirap sa buong bansa ang nakinabang sa TUPAD assistance o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.

Sa year-end report ng DOLE, sinabi nitong 1.971 milyong manggagawa ang naging benepsyaryo ng 8-billion pesos TUPAD.

Ayon pa sa DOLE, nagkaloob ito ng P283 milyon sa 62,290 manggagawa na naapektuhan ng paglindol sa Northern Luzon gayundin ang mga naapektuhan ng nagdaang malakas na bagong Paeng at Karding.

Naglunsad din ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o ng Kabuhayan program, kung saan namahagi ito ng P358 milyon na livelihood assistance sa 21,120 manggagawa.

Samantala, ang Employees Compensation Program (ECC) ay namahagi ng ECP assistance sa 3,725 manggagawa.

Ang ECP o ang Employees’ Compensation Program (ECP) ay nagkakaloob ng compensation package sa pampubliko at pribadong manggagawa o sa kanilang mga depedents na naaksidente, nagkasakit, nasugatan at nasawi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s