

Ni NERIO AGUAS
Inaasahan nang mababawasan ang nararanasang pagsisikip ng trapiko sa lalawigan ng Iloilo sa nakalatag na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH Regional Office 6 Director Nerie D. Bueno, magtatayo ng isang bagong bypass road sa nasabing lalawigan na makakatulong para mabawasan ang oras ng paglalakbay sa iba’t ibang bayan sa Northern Iloilo at ang kalapit na lalawigan ng Capiz.
Ipinatupad ng DPWH Iloilo 3rd Engineering Office, ang pagtatayo ng 2.2 kilometro Barotac Viejo Bypass Road ay isang multi-year na proyekto na nagsimula noong 2021 at inaasahang makumpleto sa 2025.
Ang naturang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA) na nasa P48.5 milyon at karagdagang P100 milyon sa 2022 GAA.
Saklaw ng proyekto ang Barotac Viejo Bypass Road na kinabibilangan ng pagtatayo ng portland concrete cement pavement (PCCP) road, cross drainage, grouted riprap, at stone masonry na may probisyon ng guard rail at reflectorized thermoplastic pavement markings.
“Once completed, Barotac Viejo Bypass Road will serve as an alternate route between the barangays of Natividad and San Roque, decongesting heavy traffic along the town proper and reducing travel time by about 10 minutes,” sabi ni Bueno.
Ang bagong 2-lane bypass road ay magdudulot din sa lokal na negosyon at socio-economic development sa northern Iloilo dahil sa madadali na ang pagdadala ng produktong agrikultura at marine products.