Mindanao inuga ng magnitude 5 na lindol — Phivolcs

NI MJ SULLIVAN

Niyang ng malakas na paglindol ang ilang probinsya sa Mindanao makaraang maitala ang magnitude 5 na lindol, kaninang madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dakong alas-5:44 ng madaling-araw na tumama ang magnitude 5 na lindol na ang sentro ay nasa layong 007 km hilaga silangan ng Kalinlangan, Bukidnon.

May lalim itong 003 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity V sa Amai Manabilang, Lanao del Sur; intensity IV sa Kalilangan, Bukidnon; Kapatagan, Malabang, at Wao, Lanao del Sur; Barira, at Matanog, Maguindanao; at City of Cotabato.

Intensity III naman sa Damulog, Dangcagan, Don Carlos, Kadingilan, Libona, Maramag, Pangantucan, Quezon, at Talakag, Bukidnon habang intensity II sa Cabanglasan, Lantapan, City of Malaybalay, San Fernando, at sa City of Valencia, Bukidnon; at sa syudad ng Cagayan De Oro.

Naramdaman din ang intensity I sa Malitbog, Bukidnon; Villanueva, at Misamis Oriental.

Dahil sa malakas na paglindol at mababa ang pag-uga ay inaasahang nagkaroon ng danyo sa ilang istruktura at gusali.

Inaasahan din ang pagkakaroon ng mga aftershocks sa mga susunod na araw kung kaya’t nag-abiso ang Phivolcs sa nasabing mga lalawigan na maging maingat sa lahat ng oras.  

Noong Disyembre 19, 2022, ganap na alas-5:05 ng gabi nang yanigin ng magnitude 5.1 ang lalawigan ng Abra.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 003 km timog silangan ng Pilar, Abra at may lalim na 008 km at tectonic ang origin.

                Naramdaman ang intensity V sa Pilar at Lacub, Abra; Intensity IV sa Banayoyo, Ilocos Sur; Licuan-Baay, Abra; Intensity III sa Nueva Era, Ilocos Norte; San Fernando City, La Union at Intensity II sa Baguio City; La Trinidad, Benguet.

                Naitala rin ang intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte; Itogon, Benguet.\

                Habang sa Instrumental Intensities naitala ang intensity IV sa Vigan City, Ilocos Sur; Intensity III sa Bangued, Abra; Intensity II sa Baguio City, Benguet; Sinait, Ilocos Sur; Santiago City, Isabela at Intensity I sa Penablanca, Gonzaga, Cagayan; Laoag City, Nueva Era, Pasuquin, Ilocos Norte; Tagudin, Ilocos Sur.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s