Solon sa China: I-withdraw ang lahat ng sasakyang pandagat sa WPS

Rep. Rufus Rodriguez

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa China na i-withdraw ang lahat ng sasakyang pandagat nito sa West Philippine Sea (WPS) kung seryoso na handang resolbahin ang sigalot sa nasabing lugar.

“President Xi Jinping should recall all those ships, whether military, Coast Guard, militia, or civilian so our Navy, Air Force and Coast Guard can freely conduct patrols and our fisherfolk can do fishing activities without fear of harassment,” ayon sa kongresista.

Tugon ito ni Rodriguez sa lumabas na Chinese media reports na sinabi ng Chinese leader kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa China na handa ang Beijing na magbalik sa pag-uusap hinggil sa oil and gas exploration at resolbahin ang maritime issues sa maayos na paraan.

Sa bahagi naman ni Pangulong Marcos, sinabi nitong natanggap na nito ang pangako ni Chinese President Xi na papayagan na ang mga  Filipino na mangisda  sa pinagtatalunang WPS.

 “We also discussed what we can do to move forward, to avoid any possible mistakes, misunderstandings that could trigger a bigger problem than what we already have,” sabi ni Marcos.

Pagbabahagi pa ni Rodriguez, na kilalang kritiko sa Chinese activities sa West Philippine Sea at patuloy na pagtanggi ng Beijing na kilalanin ang inilabas na 2016 ruling ng international arbitral tribunal na pag-aari ng Pilipinas ang ilang bahagi WPS.

Aniya, ilang araw bago lumipad si Marcos sa Beiing, iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dagsa ang mga Chinese vessels sa WPS.

Sa kabilang banda, tinanggap ni Rodriguez ang pahayag ni Xi sa pagsasabing, “It’s a good starting point for talks.”

Ngunit iginiit pa ni Rodriguez na dapat na payagan ng China ang mga Filipino fishermen na mangisda sa Scarborough o Panatag Shoal (na mas kilalang Bajo de Masinloc), na traditional fishing ground ng mga Pinoy.

“The Chinese Coast Guard should remove its presence there and should not chase away our countrymen. That area is part of our 200-mile exclusive economic zone (EEZ),” sabi nito.

Samantala, sa usapin naman aniya ng oil and gas exploration, binanggit nito na dapat na umaksyon ang Philippine government tulad ng sa Palawan at Recto Bank na bahagi ng EEZ ng Pilipinas, at nirerespeto ng China ang territorial rights ng bansa.

“We could engage Chinese companies as contractors,” sabi ni Rodriguez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s