Paglaban sa agri smuggling dapat pagtulungan — solon

Rep. Wilbert Lee

NI NOEL ABUEL

Sang-ayon si Agri party-list Rep. Wilbert Lee sa plano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maging bahagi ng kampanya laban sa patuloy na nangyayaring agriculture smuggling sa bansa.

Giit ng kongresista, dapat na magtulungan ang lahat ng sektor ng pamahalaan at magkaisa para matigil na ang operasyon ng illegal smuggling na nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka.

“It’s high time that Congress, through its powers of legislation and oversight, gets involved in the fight before things get totally out of control. Kumilos na tayo para sa ating mga kababayan na nagdurusa dahil sa pambibiktima ng mga agricultural smugglers,” sabi ni Lee.

Ayon pa kay Lee, una nang inihayag ni House Ways and Means committee chair at Albay Rep. Joey Salceda na sa pamamagitan ng isang independent panel ay kikilos na rin ang Kamara para labanan ang agri-smugglers, na siyang dahilan sa pagbagsak ng local farm industries at manipulasyon ng presyo sa mga pamilihan.

“For this reason, I will be asking an independent panel such as the Institute for Solidarity in Asia to see what changes we can further bring to the Bureau of Customs (BoC) to tighten agricultural smuggling enforcement,” sabi ni Salceda.  

Suportado naman ito ni Lee sa pagsasabing panahon nang solusyunan ang problema ng agricultural smuggling.

“This is an issue that transcends the divisions in Congress. Sa harap ng ganito kalaki at katalamak na problema, kailangang sama-sama tayong umaaksyon,” ani Lee.

“Sa kasong ito, hindi maaaring winner tayong lahat. Kinakailangang mapanagot ang mga smugglers na matagal nang pinagsasamantalahan ang pamilyang Pilipino. Congress can make some headway in this regard to make these criminals accountable,” dagdag pa nito.

Iginiit din ng mambabatas ang pangangailangan na palakasin at bigyan ng sapat na kapangyarihan ang mga ahensiya ng gobyerno na naatasang supilin ang agricultural smuggling sa bansa upang magampanang mabuti ang kanilang tungkulin.

Binigyan-diin ni Lee ang mga dapat bigyan ng sapat na pondo at ngipin ang mga opisinang gaya ng Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement sa ilalim ng National Food Safety and Food Security Agency.

“Bigyan natin ng sapat na pondo at ngipin ang mga opisinang gaya ng Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement sa ilalim ng National Food Safety Agency para maisagawa nila nang maayos ang kanilang tungkulin,” ayon pa kay Lee.

Dagdag pa ni Lee, kailangan ding imbestigahan at mapanagot ang mga nasa pamahalaan na may mga link o kaugnayan sa nasabing agri-smuggling.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s