Speaker Romualdez, Tingog party-list nagpadala ng tulong sa biktima ng pagbaha sa Davao del Norte

Ni NOEL ABUEL

Nagpaabot ng tulong sina House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa mga nasalanta at biktima ng pagbaha sa Mindanao.

Nabatid na noong Lunes ay naglunsad ng joint relief operations sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang milyong cash aid at higit sa 1,600 food packs na nagkakahalaga ng P500,000.

Ang bawat food pack ay naglalaman ng tatlong kilo ng bigas, tatlong pakete ng instant noodles, tatlong piraso ng canned goods, at anim na sachet ng 3-in-1 na kape.

Nagpadala ng tulong ang mga opisyal ng Kamara sa mga apektadong barangay ng Tagum City at mga munisipalidad ng Corella, Asuncion, Kapalong, Carmen, at Braulio E. Dujali.

Ang pagpapadala ng relief packs ay ginawa ng tanggapan ni Speaker Romualdez at Tingog party list at karagdagang 3,000 family packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“This is the least that we can do for our kababayans who were displaced by the floods. Rest assured that we will always be responsive to calls for assistance from disaster-stricken provinces. A little malasakit can go a long way, and we’re here to lend a hand,” sabi ni Romualdez.

Ang pamamahagi ng food packs at cash donation ay ginawa sa pakikipag-ugnayan kina Davao del Norte 2nd District Rep. Alan “Aldu” R. Dujali at Vice Governor De Carlo “Oyo” Uy, na nagbigay sa mga opisina ng mga opisyal ng Kamara ng listahan ng mga tatanggap.

Noong nakaraang buwan, namahagi rin ang mga ito ng 1,000 family food packs at 17,650 bottled water sa Misamis Occidental matapos ang malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa lalawigan.

Nabigyan din ng cash assistance na P2 milyon ang nasabing probinsya.

Noong nakaraang taon, sinimulan din ni Speaker Romualdez ang fund drive at relief operations para magbigay ng tulong sa mga biktima ng nagdaang bagyong “Paeng”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s