Hazard pay at insurance sa mga journalist isinulong sa Kamara

Rep. Camille Villar

Ni NOEL ABUEL

Inihain ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng mga benepisyo sa mga mamamahayag.

Ayon kay Villar, kailangang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamahayag na tumutupad ng tungkulin kung kaya’t dapat na pagkalooban ng naaayong benepisyo.

“During important assignments, journalists face the most dangerous situations like typhoons, disasters, floods, riots, war and conflicts, to name a few, in order to deliver the news to the public,” sabi ni Villar.

Idinagdag pa ng kongresista na ang ilang frontline journalist ay tumatanggap ng mga field assignment na dala lamang ng kanilang passion sans insurance o hazard pay bagama’t itinataya ang kanilang buhay sa ngalan ng journalism.

Sa ilalim ng panukalang batas, lahat ng nagsasanay na mamamahayag ay may karapatan sa insurance, tax-exempt hazard pay, at iba pang mga insentibo, maging sila man ay permanente, temporary, contractual o casual journalists na mga mamamahayag na pinagtatrabahuhan ng mga media entity sa Pilipinas.

Ang mga freelance journalist ay may karapatan din sa mga insurance benefits, kung saan ang Social Security System (SSS) at ang Government Service Insurance System (GSIS) ay inaatasan na lumikha ng isang espesyal na saklaw, partikular na sa mga lugar ng digmaan, mga lugar na naapektuhan ng kaguluhan, at mga lugar na apektado ng kalamidad.

Maliban pa dito, ang mga mamamahayag na nasa front lines o nasa field assignment ay may karapatan sa disability benefits na hanggang P300,000 para sa total o partial disability, P300,000 sa death benefit at reimbursement ng medical cost hanggang P200,000 para sa mga nangangailangan ng tulong medikal sa pagganap ng kanilang tungkulin.

“It is time that journalists deserve the respect not only for the type of work that they are doing but also in the form of benefits that are long overdue. While some may not enjoy decent wages, it is necessary that journalists enjoy these perks as they have families that rely on them,” sabi pa ni Villar.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s