GIP, TUPAD ng DOLE, tutulong sa pagpapalakas ng greening program ng DENR

NI NERIO AGUAS

Nagkaloob ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) Cagayan Regional Office sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa patuloy na pagpapatupad ng National Greening Program sa pamamagitan ng 14 na benepisaryo ng Government Internship Program at 35 benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Ayon kay DOLE-2 Regional Director Joel M. Gonzales, ang mga benepisyaryo ng GIP ay magbibigay ng serbisyo para sa DENR sa loob ng tatlong buwan habang ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay maglilingkod sa loob ng 60 araw, na may arawang sahod na P420.

Kailangan na magtatrabaho ng mga benepisyaryo sa pangangalaga ng mga kawayan at iba pang punong nakatanim sa 38-ektaryang plantasyon na matatagpuan sa mga lalawigan ng Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Nagbigay ng tulong ang DOLE matapos lumagda sa isang memorandum of agreement sa pagitan ng DOLE, DENR, at Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa pagtatalaga ng mga benepisaryo ng TUPAD at GIP para sa muling pagtatanim ng kawayan at pagsusulong sa industriya ng kawayan, kung saan 11 benepisaryo ng GIP ang naunang itinalaga para sa nasabing gawain.

“Sa pamamagitan ng GIP, ang mga benepisaryo ay maaaring magtrabaho habang patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang climate change sa pamamagitan ng malawakang pagtatanim,” pahayag ni DENR RO2 Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan.

Samantala, binigyang diin naman ni Regional Director Joel M. Gonzales ang pagsisikap ng DOLE na patuloy na palawakin ang mga pangangailangan sa programa ng mga partner agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong ng GIP at TUPAD.

“Patuloy ang regional office na magsusumikap na tumulong sa mga ahensiya ng pamahalaan sa pagsusulong ng aming mandato hinggil sa paggawa at empleyo at ang aming pakikipagtulungan sa DENR at DTI ang tumitiyak upang ipagpatuloy ang layuning ito,” wika ni RD Gonzales.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s